top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babaeng Indonesian, 2 pang suspek sa suicide bombing sa Sulu, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 10, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | October 10, 2020




Inaresto ng militar ang babaeng Indonesian at dalawang iba pa na hinihinalang suicide bomber sa Jolo, Sulu nitong madaling-araw ng Sabado. Kinilala ang suspek na Indonesian na si Rezky Fantasya Rullie, a.k.a. Cici ng Joint Task Force (JTF) Sulu ng Philippine Army's Western Mindanao Command.


Kabilang din sa mga nahuli ang dalawang babae na sina Inda Nurhaina, sinasabing asawa ng Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader na si Ben Tatoo, at Fatima Sandra Jimlani, asawa naman ng miyembro ng ASG na si Jahid Jam.


Nadakip ang mga suspek bandang alas-1:50 ng madaling-araw kanina sa Barangay San Raymundo sa bahay na pag-aari ni Tatoo.


Sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court ng Jolo, naaresto ng pinagsanib na puwersa ng JTF Sulu personnel at lokal at pambansang ahensiya ng pulisya ang mga suspek. Narekober din sa tatlong suspek ang isang suicide vest na naglalaman ng pipe bombs at iba pang improvised explosive device (IED) components, ayon sa JTF Sulu.


Nakakulong na sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Sulu Police Provincial Office ang mga babaeng suspek. Ayon kay JTF Sulu commander Brig. Gen. William Gonzales, si Rullie ang unang nasa listahan ng mga foreign terrorist suicide bombers na pinaghahanap ng militar. “We have been pursuing foreign terrorist suicide bombers in Sulu after the twin bombing of Jolo town last August 24, 2020. Rullie was first on our list since we have received intelligence reports that she is going to conduct suicide bombing after the death of his husband, Andi Baso, an Indonesian foreign terrorist who was reportedly neutralized during an encounter last August 29, 2020 with two (2) Scout Ranger Battalions under 1102nd Brigade in Patikul, Sulu,” sabi ni Gonzales.

Dagdag pa ni Gonzales, pinaniniwalaang si Rullie ay anak ng mag-asawang Indonesian na mga suspek sa kambal na suicide bombing sa Jolo Cathedral noong January 2019.


"The JTF Sulu under the direction of our WESTMINCOM Commander Lt Gen Corleto Vinluan Jr will never cease to hunt down these foreign terrorists, coddled by Mundi Sawadjaan and Radulan Sahiron," ani Gonzales.


Labinglima naman ang namatay at maraming sugatan sa kambal ding pagsabog sa Jolo noong August 24. Kabilang dito ang babaeng suicide bomber, anim na sibilyan, pitong sundalo at isang pulis.


Sa naiulat ng military, ang Jolo blasts ay isinagawa ni Sawadjaan na may kaugnayan sa ASG. Samantala, noong August, napag-alaman ng WestMinCom na may apat na babaeng Indonesian na pinaghihinalaan na magsasagawa ng pagpapasabog sa bansa ang gumagala sa Mindanao.


“May apat na Indonesians kasi na nandito pa. ‘Yung anak ng suicide bombers, ‘yung couple na nag-suicide bombing nu’ng last year, January,” sabi ni Vinluan.


Kasama ang apat na babae ng miyembro ng ASG na si Sawadjaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page