Babae pumailalim sa e-jeep, dedbol

ni Mervin Reyes @News | October 21, 2026

Photo: File
Nasawi ang 49-anyos na babae matapos mahagip at pumailalim sa e-jeep habang tumatawid sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan, Antipolo City, Rizal, nitong Lunes ng gabi, Oktubre 19.
Ayon sa Antipolo Component City Police Station, nangyari ang aksidente alas-9 ng gabi.
Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima matapos magtulungan ang ilang residente na itulak ang e-jeep ngunit binawian din siya ng buhay.
Nasa kustodiya na ng Antipolo Police Community Precinct 1 ang 46-anyos na drayber na posibleng sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Ayon sa ulat, kusang sumuko ang driver sa Brgy. Mambugan bago dinala sa presinto.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.





Comments