Babae, may higit 100 tumor sa katawan

ni Mabel Vieron (OJT) | March 1, 2023

Ang simpleng pananakit lang ng tiyan, isa na palang malubhang tumor na nakita sa obaryo ng isang 29-anyos na babae sa USA.
Ang mas ikinabigla pa ng mga doktor, nakitaan din ito ng nasa 100 pang bukol sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Ayon kay Victoria Grande, tinitiis niya ang pabalik-balik na pananakit ng kanyang tiyan sa loob ng 10 taon.
Sa tuwing nagpapakonsulta ito, ang lagi umanong sinasabi ng doktor ay mayroon siyang constipation.
Ngunit noong Abril 2022, lumaki na nang husto ang kanyang tiyan at hindi na siya halos makatayo.
Nang sumailalim sa CT scan, nakita ang isang tumor na 11-sentimetro na ang laki sa kanyang kanang obaryo.
Napag-alaman ng mga doktor na may sakit na Growing teratoma syndrome (GTS) si Grande.





Comments