Babae, inatake ng aso, dedbol

ni Carlos S. Corpuz (OST) | April 11, 2023

ITALY — Patay ang isang babae matapos itong lapain ng Rottweiler, na balak lang sana niyang pakainin.
Kinilala ang biktima na si Patrizia La Marca, 53, kapatid ng nagmamay-ari ng aso, na nagbabakasyon kasama ang asawa.
Natagpuan si Marca ng kanyang mga kapitbahay na duguan dahil sa pag-atake ng aso.
Agad na rumesponde ang emergency services at ang Carabinieri at sinubukang iligtas at isugod ang biktima sa ospital gamit ang helicopter pero namatay din ito.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.





Comments