top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Filipinas Booters, babawi sa AFF Women's Championships

BULGAR
May 30, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 30, 2022



Sisikapin ng Philippine Women’s Football National Team na higitan ang kanilang tansong medalya sa katatapos na Southeast Asians Games sa kanilang pagsabak sa ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship mula Hulyo 4 hanggang 17. Magsisilbing host sa unang pagkakataon ang Filipinas kontra sa mga bisita mula sa 10 bansa, ang pinakamarami sa kasaysayan ng torneo.

Nabunot ang Filipinas sa Grupo A kung saan haharapin nila ang Thailand, Indonesia, Singapore, Australia at Malaysia. Nasa Grupo B ang defending champion Vietnam, Myanmar, Timor Leste, Cambodia at Laos habang ang Brunei ang nag-iisang kasapi ng AFF na hindi magpapadala ng kinatawan.

Nagkataon na nakalaro na ng Filipinas ang Australia, Indonesia at Thailand sa group stage ng 2022 AFC Women’s Asian Cup India sa simula ng taon. Nagkita rin ulit sila ng Thailand sa SEA Games.

Malaking bahagi ang AFF Women’s sa paghahanda ng Filipinas para sa 2023 FIFA Women’s World Cup. Magtatawag na ng ensayo si Coach Alen Stajcic at napipisil na halos lahat ng mga naglaro sa SEA Games ay babalik para sa AFF.

Napili ang Binan Football Stadium sa Laguna at Imus Grandstand sa Cavite bilang mga palaruan. Ilang beses din napaliban ang torneo simula 2020 bunga ng pandemya.

Nagtapos sa ika-apat na puwesto ang Filipinas noong 2019 AFF Women’s na ginanap sa Chonburi, Thailand. Natalo sila sa kampeon Vietnam sa semifinals, 2-1, at natalo ulit sa Myanmar, 3-0, sa laban para sa tanso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page