top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Azkals, nakaunang panalo na kontra Mendiola sa PFL-QA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 4, 2020
  • 2 min read

ni Anthony Servinio - @Sports | November 4, 2020




Nakuha ng Azkals Development Team ang inaasam na unang panalo matapos blankahin ang Mendiola 1991, 2-0, sa ikatlong araw ng aksiyon sa 2020 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways mula sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite Martes ng umaga. Pinasok nina Jarvey Gayoso at Mathew Custodio ang mga nagpapanalong goal sa second half at sabay naghinto sa kanilang dalawang magkasunod na talo.


Pinatalbog ni Gayoso ang bola sa kanyang ulo para ipasok ang unang goal sa ika-73 minuto. Mula roon ay biglang gumuho ang dating matigas at matatag na depensa ng Mendiola.


Sinipa ni Gayoso papunta kay Yrick Gallantes ang bola at dinerecho ito sa mga kamay ni goalkeeper Kenry Balobo. Biglang nabitawan ni Balobo ang bola at madaling naitala ni Custodio ang malapitang goal para dumoble ang kanilang lamang.


Walang goal sa first half na nagwakas sa tulak ni Louie Joshua Polinag kay Mar Vincent Diano. Napigil na Balobo ang sumunod na penalty kick ni Marvin Angeles at nasipa pa rin ang Azkals ang bola na tumalbog sa kaliwang poste.


Nanatiling buhay ang pag-asa sa kampeonato ang Azkals matapos matalo sa mga paboritong United City at Kaya Iloilo sa parehong iskor na 1-0. Susunod para sa mga kabataan ang Maharlika Manila ngayong Biyernes simula 4:30 ng hapon. Dahil sa panalo, tumabla ang Azkals sa Maharlika sa ikatlong pwesto na parehong may tatlong puntos. Naglalaro ang Maharlika laban United City kahapon habang sinusulat ito.


Hahanapin pa rin ng Mendiola ang kanilang unang panalo kontra sa Kaya sa 9:00 ng umaga. Ang tampok na laro sa 8:00 ng gabi ay sa pagitan ng United City at Stallion Laguna.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page