top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Azkals at Mendiola FC, magpapaangat sa PFL

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 28, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 28, 2022



Sisikapin ng Azkals Development Team at Mendiola FC 1991 na umangat mula sa ilalim ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways ngayong Miyerkules sa Rizal Memorial Stadium simula 4 p.m. Mahalaga sa dalawang koponan ang manalo upang bigyan buhay ang kanilang kampanya at humabol sa mga nangunguna.


Sariwa pa sa ala-ala ng Azkals ang kanilang 2-0 na pagkabigo sa Stallion Laguna FC noong Sabado. Naipit sila sa 4 na puntos mula sa isang panalo, isang tabla at dalawang talo para sa ika-limang puwesto sa pitong kalahok.


Kailangang makagising ang Mendiola mula sa dalawang sunod-sunod na talo sa numero unong Dynamic Herb Cebu FC, 7-1 at 6-2, noong Set. 16 at 24. Pang-anim ang Brave Men na may tatlong puntos buhat sa isang panalo at limang talo.


Ang laro ngayon ay isa sa mga naiwan ng Azkals mula sa Round One dahil pumunta ng Oman ang ilan sa kanilang manlalaro para sa 2023 AFC Under-19 Asian Cup Qualifiers. Tiyak na magagamit nila ang mga napulot na aral at karanasan kontra sa mga beterano ng Mendiola.


Samantala, lalahok ang Pilipinas sa 2023 AFC Under-17 Asian Cup Qualifiers simula ngayong Sabado sa King Abdullah II Stadium ng Amman, Jordan. Nabunot ang Batang Azkals sa Grupo A at nakatakda nilang harapin ang Turkmenistan (Oktubre 1), defending champion Japan (Oktubre 3), host Jordan (Oktubre 5) at Syria (Oktubre 9).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page