top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayuda scam ‘wag tantanan, mga sangkot ilantad, parusahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Enero 25, 2024


Nakakapanlumo ang tila bagong modus ng mga ganid sa pera.


Kung saan, nakarating na sa Senado ang umano’y “Ayuda Scam” sa Davao del Norte at Davao de Oro.


Isang gobernador ang sumulat sa isang senador para imbestigahan ito noong Nobyembre 2023.


Sa liham nito, 60 residente ng Davao del Norte ang umano’y biktima ng scam habang pito naman sa Davao de Oro.


Ang pang-i-scam ay ginagawa umano pagkatapos matanggap ng benepisyaryo ang ayuda at dadalhin sa isang lugar ang biktima.


Kapag nakatanggap ito ng P5K mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), ay kakaltasan ito ng P4K at iiwanan lang ang benepisyaryo ng P1K.


May sumbong pa na ang iba ay susundan hanggang bahay para kunin ang kanilang pera. 


Nagagamit din daw sa scam ang ayuda mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.


Lumabas sa pagdinig na local officials ang sangkot umano sa pang-i-scam, bagay na dapat tutukan kung may katotohanan.


Ang masaklap, isa sa mga biktima ng ayuda scam, ang namatay umano dahil sa stress. Habang may lumantad din na nagsabing may banta sa kanyang buhay kaya siya tumestigo.


Kung sino man ang nasa likod ng kawalanghiyaang ito, dapat na matukoy, ilantad at patawan ng parusa.


Walang konsensya, ‘yung tulong na para sa pinakamahihirap, dinadale pa.


Sakaling mapatunayan ang mga sumbong, dapat na makaisip ng paraan ang gobyerno kung paano matitiyak na hindi na ito makakalusot.


Kung kailangan bantay-sarado ang payout, gawin na para masiguro na ang makikinabang sa pondong inilalabas ay ang mga mahihirap at hindi ang mga sindikato kung meron man.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page