top of page
Search
  • BULGAR

‘Ayuda Scam’ sa San Juan, dapat imbestigahan

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Abril 11, 2024



DAPAT LANG IMBESTIGAHAN ANG ‘AYUDA SCAM’ SA SAN JUAN CITY -- Matapos ibulgar ni Sen. JV Ejercito ang anomalya sa ayudang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na kinasangkutan ni San Juan City Mayor Francis Zamora at iba pang local officials ng lungsod, sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada, Senate Chairman on Labor and Employment na ipapatawag at iimbestigahan ng kanyang komite ang mga sangkot sa scam na ito.


Dapat lang talagang imbestigahan para malaman ng publiko kung may katotohanang winawalanghiya ng mga San Juan local officials ang ayudang para sa mahihirap, boom!


◘◘◘


DAPAT KASUHAN NI SEN. ESTRADA SINA COUN. MACKY MATHAY AT ALYAS ‘YNA CRUZ’ NG KASONG CYBERCRIME -- Wala namang masama sa gagawing Senate probe ni Sen. Estrada kasi rito malalaman ang katotohanan sa isyung ito. Pero may isang supporter ni Mayor Zamora na nagngangalang Yna Cruz, ang nag-post at ikinalat sa social media na kesyo siraulo at walanghiya raw si Sen. Estrada, nag-tag ito (Yna Cruz) nang nag-tag, at kabilang sa tinag ay ang ka-partido ni Mayor Zamora na si Councilor Macky Mathay na in-accept naman kaya lumabas din sa kanyang Facebook account ang atake sa senador.


Ang nais nating ipunto rito, dapat kabilang sa ipatawag ni Sen. Estrada sa Senado ay si Councilor Mathay at ang nagngangalang Yna Cruz para kuwestyunin sa ikinalat nilang paninira laban sa kanya (Sen. Estrada), at kung maaari nga dapat niyang sampahan ng kasong cybercrime ang mga ito, kasi sa totoo lang, bad na ikinakalat nila sa social media na may senador ang ‘Pinas na siraulo at walanghiya, period!


◘◘◘


LOTTENG NINA ‘JOY’ AT ‘ONIE’ BALIK-OPERASYON SA PARAÑAQUE AT LAS PIÑAS -- Balik-operasyon na naman daw ang lotteng nina alyas “Joy” at “Onie” sa Parañaque City at Las Piñas City.


Kung totoo ito, aba’y pabida lang pala ni SPD Director Mark Pespes na may kampanya siya laban sa illegal gambling, boom!


◘◘◘


QUIBOLOY, PASTOR NA MAY SANGKATERBANG BARIL -- Kinumpirma ng PNP na may 19 na iba’t ibang uri ng baril ang nakarehistro sa pangalan ng wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.


Hay naku, sa lahat yata ng pastor, itong si Quiboloy ang may sangkaterbang baril, buset!


◘◘◘


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page