top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ayuda sa mga mahihirap na may sakit, tuluy-tuloy dapat

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2024
1 min read

@Editorial | January 5, 2024


Matapos ang ilang linggo, inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na muli na itong nagbibigay ng mga Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).


Matatandaang pansamantala itong natigil dahil ipinoproseso ang liquidation ng kanilang pondo para sa taong 2023.


Ayon sa DSWD, simula nitong Martes, January 2, 2024 ay maaari na muling mag-request ng GL sa tanggapan.


Samantala, ang outright cash assistance naman ay pansamantalang sinususpinde base sa alituntunin ng Department of Budget and Management (DBM) na naaayon sa umiiral na batas.


Ang suspensyon ng cash assistance sa ilalim ng AICS ay ipinapatupad ng DSWD tuwing simula ng fiscal year habang hinihintay ang pag-download sa pondo ng DSWD base sa probisyon ng General Appropriations Act (GAA).


Sa ilalim ng AICS program, binibigyan ng komprehensibong tulong ang mga lubos na nangangailangan kabilang ang cash assistance para sa food, transportation, medical services, at funeral costs.


Napakalaking tulong ang GL, maraming mahihirap at may sakit ang nabibigyan ng pag-asa. Kaya sana, magawan din ng paraan na hindi na ito matigil.


Umaasa rin tayo na maging mas malawak at mabilis ang pamamahagi ng nasabing ayuda.


Mas maging masigasig pa sana ang kinauukulan sa pag-abot sa mga nangangailangan.


Kung may sapat na pondo ang gobyerno, tama lang na gamitin ito nang naaayon sa batas at hindi napupunta sa bulsa ng mga korup.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page