top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ayuda sa mga estudyanteng hirap sa tuition

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2023
1 min read

@Editorial | April 27, 2023


Hinikayat ng isang grupo ng mga lider ng mag-aaral ang Commission on Higher Education (CHED) na magpataw ng moratorium sa tuition at school fee hike para sa susunod na academic year sa mga pribadong paaralan.


Ito ay inaasahang makakadagdag sa pasanin ng pamilya sa gitna ng nararanasang taas-presyo sa mga bilihin at serbisyo.


Ang pagtaas umano ng matrikula ay maaaring higit na makapinsala sa mga estudyante na nahihirapan dahil karamihan sa kanila ay mula sa mga pamilyang may limitadong mapagkukunan ng pera.


Batid naman natin na hindi pa nakakabangon ang ating bansa mula sa krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ng COVID-19 at nahaharap pa rin sa mataas at mabilis na inflation.


Kaya kung may pagkakataon o paraan ang gobyerno na matulungan ang mga estudyante na maitawid ang kanilang pag-aaral ay gawin na.


Marami sa mga mag-aaral ang matalino, matiyaga at gusto talagang makatapos, sadyang wala lang oportunidad na makapasok o makapagpatuloy dahil sa kawalan ng suportang pinansiyal.


Panawagan din sa malalaking kumpanya na ipagpatuloy at palawakin pa ang mga scholarship.


Kung magtutulungan ang gobyerno, pribadong sektor at mamamayan, mas aangat ang edukasyon na magiging pundasyon ng pag-unlad ng bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page