top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ayuda para sa mahihirap na pamilya, iwasang mapunta sa kawatan

BULGAR
Apr 5, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 5, 2022


Kaugnay ng pamimigay ng gobyerno ng ayuda para sa mga apektado ng pagtaas ng langis at bilihin, nagbigay-babala ang isang mambabatas na posibleng targetin ng mga scammer ang mga benepisyaryo.


Dahil dito, nanawagan ang mambabatas na pigilan ang mga text scammers na nananamantala sa mga makatatanggap ng ayuda.


Hinihikayat umano ng mga text message na kontakin ang laman nitong numero at e-mail address para sa umano’y pagkuha ng ayuda gaya ng senior pension, Bayanihan allowance, tax refunds at iba pa.


Giit ng mambabatas, malaking temptasyon sa mga kawatan ang P20 bilyong pondo para sa naturang ayuda, kaya suhestiyon nito, gamitin ang national SMS alert system para magpadala ng mga “anti-budol message” para protektahan ang publiko.


Matatandaang naglalabasan ang mga text message na namimigay ng mga pekeng trabaho at premyo. Ito ay dahil pa rin sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at sa tugon ng gobyernong mamigay ng tulong-pinansiyal sa mga nangangangailangan.


‘Yun nga lang, ‘di maiwasang mabiktima ng ilan dahil sa kagustuhang makaraos sa araw-araw.


Sa totoo lang, nakalulungkot dahil kung sino pa ang nangangailangan, sila pa itong pinupuntirya ng mga kawatan, at pati ang kaunting ayuda ay pag-iinitan pa.


Hindi naman sa pagiging nega, pero paraan lang ito upang bigyang-babala ang lahat dahil kung may mabibiktima, hindi titigil ang mga kawatan.


At paalala sa mga benepisyaryo, ‘pag nakatanggap ng mga kahina-hinalang text na nanghihingi ng personal na impormasyon, magduda na kayo.


‘Di dapat mapunta sa mga maling kamay ang ayudang inilaan sa mahihirap na pamilya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page