top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ayuda ng gobyerno, ‘wag haluan ng pamumulitika

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2023
1 min read

@Editorial | September 16, 2023


Naglabas ng memorandum ang Commission on Elections (Comelec) upang mabigyan ng “exemption” sa “election spending ban” ang mga programa ng gobyerno.


Kabila rito ang Special Program for Employment of Students, Government Internship Program, JobStart Philippines Program at Integrated Livelihood and Emergency Employment Program ng Department of Labor and Employment.


Hindi rin sakop ng “election spending ban” ang special emergency employment program ng kawanihan, na nagbibigay ng trabaho sa mga benepisyaryo.


Nilinaw din na maaari pa ring ituloy ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ang kanilang “social services program” basta ipaalam lamang sa Comelec.


Kasama na rito ang pagbibigay ng medical, burial at food assistance programs.


Nangangahulugan ito na walang intensyon ang batas na mahinto ang pagbibigay ng serbisyo-publiko tuwing “election period”.


Isa lang naman ang ikinababahala natin, ang magamit ang mga nasabing programa sa kampanya.


Kaya tiwala tayo sa mga opisyal na hindi mababahiran ng pamumulitika ang pamimigay ng ayuda.


Sinasabing pabor ito sa mga reelectionist o muling kumakandidato tulad ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), dahil sila ang tagapaghatid ng ayuda pero hindi naman siguro manhid o bulag ang mga residente para ‘di maramdaman at makita kung talagang nagtrabaho ang kanilang kapitan at kagawad sa kabuuan ng kanilang termino.


Ito ‘yung lagi nating sinasabi na matuto na sa pagkakamali. Kung ang ibinoto natin at nanalo ay sa kampanya lang nagpakita, huwag na ulit magpabola.


Piliin natin ang mga tunay na lingkod-bayan at hindi bantay-salakay sa kaban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page