top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Ayuda dahil 12 yrs. na sa showbiz… MARIS, NAMIGAY NG 1 KILONG BIGAS SA MGA DRAYBER, BINASH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 20, 2026



TALKIES - MARIS, NAMIGAY NG 1 KILONG BIGAS SA MGA DRAYBER, BINASH-IG _mariesteller

Photo: IG _mariesteller



Nagdiwang ng ika-12 anibersaryo sa showbiz industry ang aktres na si Maris Racal.

Sa social media post ni Maris ay nagbahagi siya ng larawan kung saan makikita na namahagi siya ng libreng bigas sa mga jeepney drivers bilang bahagi ng kanyang selebrasyon.


Saad ni Maris sa post niya, “12 years na ako sa industry. Happy anniversary to us, Mariestellers (fans niya). Love you all so much!”


In fairness, maraming netizens ang natuwa sa ibinigay na biyaya ni Maris para sa mga drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.


Komento ng netizen, “Ang ganda naman ng namimigay ng bigas. Du’n pa lang, panalo na.”

Komento naman ng isa pang netizen, “Makita ko lang nang personal si Maris, okay na kahit walang bigas.”


Samantala, may ilan ding nang-bash sa aktres dahil 1 kg. lang umano ang ipinamigay na bigas bawat driver knowing na matagal na siya sa industriya.

Haha! May ganern?!





Birthday wish daw niya… 

KRIS, MARAMING-MARAMING ANAK ANG GUSTO 



NATUWA ang King of Talk na si Boy Abunda sa aktres na si Kris Bernal nang sabihin nito na pinag-ipunan niya ang regalo sa sarili na isang kumikinang na kuwintas.


Kamakailan lang ay nag-guest si Kris sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ng GMA Network.


Saad ng mahusay na TV host na si Boy Abunda, “Natutuwa ako sa sinabi mo na ‘Pinag-ipunan ko ‘to, Tito Boy.’”


Sey naman ni Kris, “Pinag-ipunan ko ‘to, Tito Boy,” habang hinahawakan ang kuwintas niya. 


Aniya, “Birthday gift ko sa self ko.”


Saad ni Boy, “Totoo. You really have to reward yourself, ‘di ba?”

Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa birthday wish ni Kris na nagdiwang ng kaarawan noong May 17.


Tanong ni Boy, “Ano naman ang birthday wish ng isang Kris Bernal?”

Sey ni Kris, “Another baby. Sana, ma-bless pa ng another baby. Gusto ko pa ng maraming-maraming baby. Ang saya, eh, sobrang saya.”


Dagdag na tanong ni Boy, “And that’s coming from where? You come from a big family o gusto mo lang talaga ng maraming baby?”


Sey ni Kris, “‘Di naman. Kasi parang ‘pag isa lang, ‘pag nakikita kong walang kalaro ‘yung anak ko, parang ang sarap siguro ‘pag maraming kalaro, maraming kausap, marami s’yang napagshe-share-an ng gamit n’ya.”

Well, why not, coconut? 


Anyway, happy birthday, Kris Bernal!





MAAARI nang mabili ang advance tickets para sa Tayo Sa Wakas (TSW) na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pamamagitan ng official website nito, kasabay ng mainit na pagtanggap ng mga fans sa kanilang The Road to Wakas mall tour na iikot sa iba’t ibang panig ng bansa.


Kamakailan ay dinagsa ng mga fans sina Donny at Belle sa kanilang pagbisita sa Zamboanga City, Antipolo, at Bulacan bilang paghahanda sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang pelikula.


Bukod sa pagbili ng tickets, makikita rin sa website ang updates tungkol sa participating cinemas, film content, milestones, at iba pang activities tungkol sa TSW.


Magpapatuloy ang nationwide mall tour sa KCC Mall Cotabato sa Mayo 22, Ayala Malls Marquee sa Mayo 23, SM City Bacoor at SM City Dasmariñas sa Mayo 24, Robinsons Galleria Cebu sa Mayo 30, SM City Iloilo sa Hunyo 6, at SM City Bacolod sa Hunyo 7. 


Bibisita rin sila sa ilang block screenings sa Cebu, Iloilo, Davao, at Bacolod.


Mapapanood ang Tayo Sa Wakas mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana sa mga sinehan nationwide simula Mayo 27 at sa iba’t ibang bansa simula Hunyo.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page