top of page

Ayaw pang umamin sa relasyon, pero… KIM AT PAULO, TODO-ENJOY SA AMANPULO, MGA PIKTYUR, VIRAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 22, 20255



Photo: Kim Chiu at Paulo Avelino - IG


Hindi nakaligtas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa mga paparazzi kesehodang gumastos pa raw sila nang daanglibong piso para lang magkaroon ng privacy at ma-enjoy ang isa’t isa sa napakagandang isla ng Amanpulo sa Palawan.


Viral nga ngayon sa Facebook ang photos nina Kim at Paulo habang ine-enjoy ang magandang beach at relaxing ambiance sa Amanpulo.


Hindi lang malinaw sa nag-viral na photos kung kelan exactly nagpunta sina Kim at Paulo sa Amanpulo — kung nu’ng weekend ba o nu’ng mga nakaraang linggo pa — dahil ang sure, present si Kim sa It’s Showtime mula nu’ng Lunes.


Marami namang KimPau fans ang kinilig sa balitang ito. In fact, ‘yung iba nga, sobrang excited na at gustong sa kasalan na agad-agad mauwi sina Kim at Paulo sa kanilang hirit na pakasalan na ng aktor ang aktres.


But waiiiiiiit! Teka lang mga KimPau fans, may pag-amin ever na bang naganap?

‘Yun nga ang nakakapagtaka, ‘di ba? Kung totoong sila na talaga at may ‘something’ na dapat i-celebrate kaya nagpunta sila sa Amanpulo, bakit wala pa ring pag-amin, especially mula kay Paulo since siya ang lalaki, hindi ba?


Marami tuloy ang nagdududa pa rin sa sinseridad ni Paulo mula sa mga loyal Kim Chiu fans dahil hindi nga mailantad ng aktor na girlfriend na niya si Kim.


Hihintayin pa raw ba ng dalawa na maghiwalay muna sila bago aaming naging sila, ganern?!


Aktor, after kasuhan, bati na…  

MARK AT JOJO, HAPPY TOGETHER NA ULI


NALUNGKOT at nadismaya man ang maraming fans na nawalan na rawa ng ganang tumulong si Mr. Wowowin Willie Revillame a.k.a. Kuya Wil mula nang matalo itong senador sa nakaraang midterm elections, nabuhayan naman ng loob ang ilan nang marinig na may tila isang Santa Claus na bigla-bigla na lang sumusulpot para magpasaya at manlibre kapag natiyempuhan ka.

Sinetch siya?!


Walang iba kundi ang minsan nang naging controversial singer at tinaguriang The Revival King na si Jojo Mendrez!


Yes, bentang-benta nga ngayon sa mga netizens ang bagong pakulo ni Revival King Jojo Mendrez na vlog series na tinawag na Libre Na 'To.


Sa bawat episode, pumupunta ang singer sa iba’t ibang establisimyento gaya ng restaurant, grocery store, department store, fast food, palengke, sinehan, at maging sa mga bangketa at basta-bastang nanlilibre sa kung sino man ang mga naroroon.


Minsan na naming nakitang nanlibre ito ng mga kabataang bumibili ng rubber shoes, ng mga nakapila sa mga sinehan para manood ng movie, at minsan ay nagbigay din ng cellphone sa isang street vendor.


Well, kung may mga nagsasabing maaaring gimik o style ito ni Jojo para sumikat at pag-usapan ang kanyang kantang Nandito Lang Ako na balitang may 20 million views na mula nang i-release, eh, good news pa rin dahil at least, marami siyang napapasaya.


Sabi naman ni Jojo Mendrez, bukal sa loob ang kanyang ginagawang pagtulong at happy siya na may mga napapasaya.


May ilan ngang nag-suggest na gawing TV show segment ang kanyang vlog series, pero pag-iisipan pa raw ni Jojo.


Samantala, pagkatapos mag-20 million views ang Nandito Lang Ako, malapit na ring mapakinggan ang version ni Jojo ng I Love You Boy na unang pinasikat ni Timmy Cruz.


Si Mark Herras na nga kaya uli ang kanyang makasama sa music video ng I Love You Boy ngayong balitang bati at happy together na uli sila?

Iaatras na rin kaya ni Jojo ang demanda niya laban kay Mark? Hmmm…


LADY GAGA, BUMILIB KAY PRECIOUS PAULA NICOLE NG DIVINE DIVAS 


LUMIPAT na pala sa mas malaki at mas bonggang location sa gitna ng Tomas Morato, Kyusi ang paboritong tambayan ng mga LGBTQ+ members na Rampa Bar.


Sa grand reopening ng Rampa sa Mayo 24 sa 27-B Tomas Morato Avenue Extension, Barangay South Triangle, Diliman, Quezon City, tiyak na marami na namang pasabog sa pagsasanib-puwersa ng mga Philippine LGBTQ+ icons at allies gaya nina RS Francisco, Cecille Bravo, Ice Seguerra, Boy Abunda, at ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Vinas Deluxe.


Walang puknat ang Rampa sa pagbibigay ng sunud-sunod na parties na ang mensahe ay ang pagkakaisa at selebrasyon ng creative freedom kung saan ang pabolosang mundo ng drag ang nagbubuklod sa over-the-top fun ng venue.


With much hard work and dedication, kilala na ngayon ang Rampa bilang tahanan ng mga bagong sibol na drag artists na kilala bilang Rampa Reynas, kasama ang kanilang homegrown dancers, ang Rampa Movers.


Ang nakaka-inspire na talento ng mga artists ng Rampa ay umani ng papuri ‘di lamang mula sa LGBTQ community at Philippine press kundi pati na rin sa international news organizations gaya ng The New York Times at pati ng mga international celebrities gaya ni Lady Gaga na napansin ang performance ni Precious Paula Nicole ng kanyang smash hit dance single na Abracadabra.


Pinamagatang Moulin Rouge: The Musicale, tampok sa event sa May 24 sina Popstar Bench, Khianna, Angel, at Zymba Ding kasama ang mga Rampa Reynas na sina Katana, Kiari, Khiendra, Kieffy Nicole, Neenja, Asha Sole, Eliza, Abigail, Mz. Chronicles, Budalyn, Tiffany, at Eyyygatha, maging ang Rampa Movers, at may special guest appearances pa ng Divine Divas at iba pang surprise guests.


Magsisimula ang party sa red carpet nito ng 11:00 p.m. at susundan ng pre-show papunta sa main show hanggang sa second set nito na Coachella 2025, at ang after party.


So kitakits sa masayang grand reopening ng Rampa Bar, mga Ka-Bulgar at mga kafatid!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page