top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Ayaw magpahinga, nagkasakit… GOV. VILMA, AMINADONG MATIGAS ANG ULO

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
2 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | November 21, 2026



FRANKLY - GOV. VILMA, AMINADONG MATIGAS ANG ULO_IG _rosavilmasantosrecto

Photo: IG _rosavilmasantosrecto



Medyo maganda na ang pakiramdam ngayon ni Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos matapos siyang tamaan ng flu nitong mga nakaraang araw, dahilan para hindi siya makadalo sa launching ng Ala E! Festival na ginanap last Wednesday, November 18, sa Batangas Provincial Capitol.


Bagama’t paos pa rin si Ate Vi, makikita naman sa ipinost niyang latest video sa Instagram (IG) na okay na siya kaya medyo nakampante na ang kanyang mga fans.

Aminado naman ang Star for All Seasons na matigas ang ulo niya na kahit sinabihan na siyang magpahinga muna ay hindi niya sinusunod at nagbabalik agad siya sa trabaho.


In fairness, saludung-saludo naman ang mga staff ni Ate Vi sa napakagandang pamumuno nito sa Batangas at talagang non-stop daw magtrabaho, lalo na ngayong papalapit na ang Ala E! Festival na pinakamalaking annual event sa lalawigan.


“Maganda ang Batangas, ang ating mga pagkain, kultura, pamana, at higit sa lahat, ang ating mga mamamayan. Ang Ala E! Festival ay pagkakataon nating ipagmalaki ang ating pinagmulan, makipagtulungan sa ating mga komunidad, at sama-samang sumulong bilang isang nagkakaisang lalawigan. Ipagmalaki natin ang kulturang Batangueño!” pahayag ni Gov. Vi.


Gaganapin ang Ala E! Festival mula Disyembre 1–8, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-445 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan.


Tampok sa engrandeng pagdiriwang ngayong taon ang mayamang pamanang pangkultura ng lalawigan, matibay na pananampalatayang nag-ugat sa kasaysayan, masiglang sining, mga tanyag na pagkaing Batangueño, magagandang destinasyong panturismo, at diwang mapamaraan at masigasig sa pagnenegosyo ng mga Batangueño.


Kabilang sa napakaraming inihandang activities ng local government para sa 445th founding anniversary ng Batangas ay ang Trade Fair and Food Fest, MBA-VSR Awards, Unity Walk, Zumba, Medical Services, Fluvial Procession of Sto. Niño ng Batangan, Parade of Cultural Icons, Concelebrated Mass, Car Meet, Battle of the Bands, Having Ibaan Fashion Show, VSR Battle of the Champions, Isang Ilog, Isang Probinsya: Magkakatuwang Tayo One Act Play, Christmas Show, Street Dance and Court Dance Competition.





Pambato ng ‘Pinas…

BEA MILLAN-WINDORSKI, KAILANGAN NG BOTO PARA SA MISS UNIVERSE



SAMA-SAMANG suportahan ang pambato ng bansa na si Bea Millan-Windorski sa kanyang pagsabak sa ika-75 edisyon ng Miss Universe.


Panoorin si Bea na makipagtagisan sa mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pag-asang maiuwi sa Pilipinas ang ika-limang Miss Universe crown. 


Bukod sa pagtaas ng bandera ng Pilipinas, nais din niyang gamitin ang Miss Universe platform upang higit na maitaguyod ang pangangalaga sa karagatan at proteksiyon ng mga pawikan, mga adbokasiyang matagal na niyang isinusulong sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto sa bansa.


Samantala, bago ang coronation night, nasa kapangyarihan natin na matulungan siyang makamit ang korona sa pamamagitan ng pagboto sa kanya sa Miss Universe app bilang bukas na ang fan voting ng kompetisyon.


Makamit kaya ni Bea ang ika-limang Miss Universe crown para sa Pilipinas? 

Huwag palampasin ang live telecast ng ika-75 Miss Universe sa Miyerkules (Nobyembre 25), 8 AM, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Metro Channel, o mag-stream nang libre sa iWant.


Mapapanood din ang mga highlight ng kompetisyon sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page