'Away' sa pulitika, personalan na raw, mali na… PAGTAWAG NI G NA KALBO KAY ARNELL, PINALAGAN NI AIKO
- BULGAR

- Nov 7, 2020
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 7, 2020

Naglabas ng reaksiyon ang aktres na si Aiko Melendez sa kanyang Facebook account kahapon tungkol sa pagpuna sa kapintasan ng isang tao.
"Puwede kasi naman ang issue is about mishandling of some things. Pero para tawagin mong kalbo o panget o anumang kapintasan ng isang tao, hindi tama," bahagi ng FB post ni Aiko.
Obviously, ang reaksiyon na ito ni Aiko ay tugon sa pinakawalang mensahe ni G Tongi sa Twitter the other day.
Kung nasubaybayan ninyo ang aming kolum kahapon, na-discuss namin ang pagpalag ni G sa statement ni Arnell Ignacio patungkol sa mga artistang mahina ang ulo at may yabang pa raw sa katangahan sa pagpuna sa gobyerno.
Ang walang takot na reaksiyon ni G, "Arnel, dahan-dahan lang sa pag-atake ng mga kasamahan sa industriya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila... Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay 'yung 'di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka-plug-ins ka..."
Dahil sa "'di tumutubong buhok" ni Arnell sa post ni G, may mga nag-react na netizens.
At ang latest nga, pati si Aiko ay naglabas na rin ng kanyang opinyon sa social media with pa-hashtags na "#justsaying" at "#lowblow" sa kanyang mensahe.
Bagama't walang tinukoy na pangalan si Aiko sa kanyang post, marami ang naniniwala na para kay G ang kanyang mensahe sa FB.
Feeling kasi ni Aiko, naging personalan na ang palitan ng opinyon.
Narito ang kabuuan ng post ni Aiko sa Facebook…
"Lahat naman tayo, me kanya-kanyang opinion sa pulitika. Me kanya-kanya paniniwala pero hindi kasi ako sang-ayon na mamemersonal ka sa pagtira ng kapwa mo.
"Pwede kasi naman ang issue is about mishandling of some things. Pero para tawagin mo kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama...#justsaying
"Hindi naman daw kailangang manlait pa para lang makontra ang opinyon ng iba.
"Kung me maganda at maayos ka na rebuttal, sabihin mo out loud pero 'wag ka manghamak ng tao...
"Nakakalungkot naman. Dito na papunta ang argumento ng isang bagay. Personalan...
"Lahat tayo ay me kalayaan sa pagpuna ng isang pagpapatakbo sa bayan, pero 'pag nauwi sa personalan ang atake, ano tawag du'n?...
"Think before you click nga 'di ba? Gather facts muna... There is no harm in asking... #lowblow."
Hmmm... may mag-react kaya?





Comments