Away sa lupa... 2 nagpatagalan ng 'di paghinga sa ilog, parehong patay

by Jeff Tumbado @News | October 18, 2026

Photo: File
Nasawi ang dalawang magsasakang kabilang sa katutubong Tagakaulo matapos malunod habang isinasagawa ang tradisyonal na ritwal na “sulif” sa Glamang River sa Alabel, Sarangani, noong Oktubre 16.
Kinilala ang mga biktima na sina "Tonny," 69, at "Gaspar," 49, na nagpasiyang idaan sa ritwal ang kanilang alitan sa lupa matapos mabigong magkasundo sa barangay.
Bilang bahagi ng ritwal, nanatili ang dalawa sa ilalim ng ilog nang humigit-kumulang 12 minuto. Isinugod sila sa ospital, ngunit kapwa binawian din ng buhay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.





Comments