top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Awang-awa sa nangyari sa ex… COCO, ‘DI LANG PINATAWAD, BINAGO PA ANG BUHAY NI KATHERINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 21, 2026



TALKIES - COCO, ‘DI LANG PINATAWAD, BINAGO PA ANG BUHAY NI KATHERINE_FB Katherine Luna

Photo: FB Katherine Luna



Hinahangaan at sinusuportahan ng aktor-direktor na si Coco Martin ang aktres na si Katherine Luna, na kanyang ipinahayag sa panayam sa YouTube (YT) channel na Unplugged ng broadcast journalist na si Julius Babao. 


Nang tanungin ni Julius kung alin sa mga episodes ng Unplugged ang tumatak sa kanya, agad na binanggit ni Coco ang episode ni Katherine Luna.


“S’yempre, isa ‘yun,” natatawang sagot ni Coco.


Binanggit din ni Julius ang malaking tulong na naibigay ni Coco kay Katherine, kabilang ang pagpapagamot ng kanyang mata, pagpapagawa ng kanyang mga ngipin, at pagbibigay ng negosyo.


“Grabe ang ginawa mo sa taong ‘yun. Binago mo talaga ang buhay n’ya,” sey ni Julius.

Ipinaliwanag ni Coco na matagal na silang magkaibigan ni Katherine bago pa man nangyari ang mga kontrobersiyang nagdulot ng hidwaan sa kanilang dalawa.


“Kung ano man ang mga nangyaring ‘di magaganda, tapos na ‘yun. ‘Di ko na rin naman mababago ang nakaraan. Pero totoo, sobrang sakit ng pinagdaanan ko noon, ‘di lang para sa akin kundi para rin sa buong pamilya ko, lalo na sa lola ko,” ani Coco.


Gayunpaman, nagbago ang kanyang pananaw nang mapanood niya ang panayam ni Katherine kay Julius.


“Nang mapanood ko s’ya sa interview mo at nakita ko kung paano s’ya humingi ng tawad at kung gaano n’ya pinagsisihan ang mga nangyari, parang sa isang iglap, nawala agad. 


“Magkatabi kami nu’n ni Jules (Julia Montes) habang nanonood. Sabi ko, gusto ko s’yang tulungan dahil nakita ko sa mga mata n’ya ang tunay na pagsisisi. Naisip ko kasi na kung ako ang nasa sitwasyon n’ya, baka masira na rin ang disposisyon ko sa buhay.


“Kaya naisip ko na kung may pagkakataon kaming mabigyan s’ya ng second chance, bakit hindi? At kahit paano, nakatulong din,” aniya.


Ayon kay Coco, nanghihinayang siya sa talento ni Katherine dahil isa ito sa mga artistang likas ang husay sa pag-arte.


“May mga artistang natututo sa pag-acting through the process. Pero may mga artistang napakahusay, inborn, at ‘yun si Katherine Luna. First movie pa lang n’ya, ‘di na maipaliwanag ng mga tao kung saan n’ya hinuhugot. Bakit ganu’n s’ya kagaling?” saad niya.


Dagdag pa ni Coco, naniniwala siyang marami pang maiaambag si Katherine sa industriya.


“Nakakahinayang kung ‘di na s’ya mabibigyan ng pagkakataon. Alam kong kailangan pa s’ya ng industriya. Sino ba naman ako ngayon na nakakatulong na ako kahit papaano sa maraming tao? 


“S’ya pa na dati kong kaibigan, bakit ‘di ko tutulungan?” pagtatapos ni Coco.


Samantala, kabilang si Katherine Luna sa mga artistang mapapanood sa inaabangang action-drama series na Sigabo, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.

Opisyal nang mapapanood ang serye simula Hunyo 22, 2026, tuwing 8:00 PM sa TV5, A2Z, AllTV, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWant.





Mula pagkabata… MICHELLE, ‘DI PINANIWALA NI MELANIE NA MAGANDA



HINDI agad nalaman ng aktres, modelo, TV host, at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee (MMD) na nagtataglay siya ng pambihirang ganda, at wala rin siyang ideya noong bata pa na sikat ang kanyang mga magulang na sina Melanie Marquez at Derek Dee.


Sa kanyang panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), napag-usapan ang kanyang pananaw tungkol sa kagandahan at kung paano niya ito natutunang tanggapin.


“‘Pag sinasabi mong it took awhile for you to embrace na ikaw ay maganda, dahil there were times na akala mo, ‘di ka maganda?” tanong ng King of Talk na si Boy Abunda.


Ayon kay Michelle, hindi naging sentro sa pagpapalaki sa kanya ang pisikal na anyo.


“I guess, ‘di lang kami pinalaking ganu’n ng nanay ko. ‘Di ‘yun ang naging focus namin. Ang mas naging focus n’ya is what skills can she give us,” paliwanag niya.

Inilahad din ng beauty queen na lumaki siyang mahilig sa sports at martial arts.


“‘Di n’ya binigyan—I guess she didn’t make beauty something we should be obsessed about.


“Like ‘yung skin care ko nga, kailan lang ako nagsimula. Parang for the longest time, sabon saka tubig lang. Until, of course, napunta na ‘ko sa panahon na ang dami ko nang makeup na isinusuot, I had to be more conscious about that. Pero ‘di ko naiisip ‘yun,” dagdag pa niya.


Nang tanungin naman siya ni Boy kung kailan niya nalaman na isang sikat na beauty queen ang kanyang inang si Melanie Marquez, inamin ni Michelle na matagal bago niya ito na-realize.


“Ang tagal bago ko nalaman. I grew up in the US... sa rancho. Kaya nagulat lang ako nu’ng first time na dinala kami sa Pilipinas. Sabi ko, ‘Ma, bakit ang daming camera sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?’ Tapos du’n ko lang nalaman na sikat pala ‘yung aking nanay,” nakangiting sey ni Michelle.


Sa nasabing panayam, napag-usapan din ang relasyon ni Michelle sa kanyang ama na si Derek Dee, na kilala bilang action star.

Sinabi ni Boy, “Pogi ang tatay mo.”


“Oo naman,” sagot ni Michelle.


Tinanong siya ng mahusay na TV host na si Boy Abunda kung ano’ng klaseng relasyon ang mayroon siya sa kanyang ama.


“I love my dad. My dad really instilled so much wisdom in me. I really have my dad’s side to thank for why I handle myself the way I do.


“I have so much wisdom and spirituality, and that’s something I learned from my dad. Bukod sa pagiging action star n’ya, marami pa siyang naituro sa akin,” pahayag ni Michelle.


In all fairness, super-lucky talaga ni MMD na magkaroon ng mga magulang na tulad nina Derek Dee at Melanie Marquez.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page