AVC Women's Cup angat sa bigating Candon host
- BULGAR

- Jun 4
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 4, 2026

Photo: Mapapasabak ang Alas Pilipinas women sa AVC Cup habang sumenyas ng letrang "C" habang hawak ang tropeo na ipagkakaloob sa magkakampeon sa Asian Volleyball Confederation sina PSC Chairman Patrick Gregorio, AVC President Ramon Suzara at Eric Singson sa Candon City. (avcpix)
Handangp-handa na ang Candon City sa pag-host ng bigating sports event sa bansa sa pagsalubong sa bawat delegasyon ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup simula Sabado.
Ang mataong siyudad sa Ilocos Sur ay may pinahusay na mga pasilidad sa pagsasanay, pinalawak na mga akomodasyon at mga lugar na pinag-eensayuhan para sa 12 teams na magtatagisan sa 9-days continental competition.
Napatunayan ng Candon City ang pagho-host ng men’s Southeast Asian V.League noong 2026 at iba pang domestic professional competition sa pagsasalarawan ng alkalde rito na si Eric D. Singson na tumataas ang pamantayan sa sports hosting at isang “milestone event” para sa siyudad.
Nangakong ipagpapatuloy ang proyekto nina Philippine Sports Commission (PCS) chairman Patrick “Pato” Gregorio at Asian Volleyball Confederation (AVC) president Ramon “Tats” Suzara para matugunan ang pag-angat ng sports tourism ng bansa.
“We are grateful to the PSC and the AVC for giving Candon City the opportunity to host an event of this scale,” pahayag ni Singson. “Beyond the competition, we want to showcase our city’s readiness and, more importantly, the hospitality of our people.”
Nakahanay ang Pilipinas sa Pool A kasama ang Chinese-Taipei, South Korea, Kyrgyzstan, Australia at Uzbekistan, habang nasa Pool B ang defending champion Vietnam, Kazakhstan, Iran, Indonesia, Hong Kong at Lebanon.





Comments