AVC: Alas dinurog Kyrgyzstan, pinuri sa kabila ng gulo sa PNVF
- BULGAR

- Jun 9
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 9, 2026

Photo: Pinadapa ng Alas Pilipinas women ang Kyrgyzstan kahapon sa bisa ng 3 sets sweep 25-9, 25-11 at 25-17 sa AVC Cup Indoor volleyball sa Candon, Ilocos Sur. (alaspilipinasfb)
Mga laro ngayong Martes
(Candon City Arena)
9 am – Lebanon vs Iran
12 nn – Uzbekistan Chinese Taipei
3 pm – Pilipinas vs South Korea
6 pm – Indonesia vs Hong Kong
9 pm – Kyrgyzstan vs Australia
Matinding bawi ang ipinakita ng Alas Pilipinas women’s national team kasunod ng masaklap na pagkatalo sa Australia para durugin ang Kyrgyzstan sa 25-9, 25-11, 25-17 sa straight sets kahapon sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup na ginaganap sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Naiangat ng Alas Pilipinas ang puwesto sa Pool A sa 2-1. Napanatili ng Alas Pilipinas ang tsansang makapasok sa knockout phase na sunod na makakalaban ang South Korea.
Siniguro ng dating PVL top-overall pick mula Thunderbelles si Thea Gagate na rumehistro ng 11 puntos.
Nakaagapay ng 6-foot-2 middle blocker si Jovelyn Gonzaga sa 10 puntos, na sinundan ni Alyssa Valdez sa 9, Ces Molina sa 8, Nina Ytang sa 6, tig-4 na puntos galing kina Kyle Negrito at Cla Loresco at tig-3 nina Ara Galang at Alyssa Solomon, na nasayang ang 23-puntos na birada kontra Aussies.
Pinuri ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio ang performance ng Alas Pilipinas sa AVC tourney kahit may kinakaharap na malaking problema ang national federation na Philippine National Volleyball Federation (PNVF), habang binigyang-pagkilala ang walang sawang suporta ng Candon City Mayor Eric D. Singson.
Nakatuon din ang pansin ng Alas sa ranking points sa 12-nation meet, kung saan tinitingnang krusyal ang classification round para sa mga magmimintis ng round of four ng torneo, habang ikinalugod ng lungsod ang pagkakaroon ng isang high-level na aksyon sa pagpapataas ng lokal na ekonomiya ng lugar.





Comments