top of page

Ava Tale vs. Lucky Saver at Trustworthy sa WTA at SLLP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2020
  • 2 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 6, 2020



Labindalawang karera ang aalagwa ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Magaganap ang 2020 Philracom Rating Based Handicap System Race na Class 3,4 at class 5. Walo ang maglalaban sa class 4,dalawa class 3 at class 5. Tatlo ang lalarga na Winner Take All (WTA) at Pick 5 at dalawang Pick 6 habang magaganap ang isang Pick 4.


Sa Race 1 mangyayari ang 1st WTA at pinapaboran ang Ava Tale at Lucky Saver sa Race 2 kakarera ang 1st Pick 5 at pinapaboran ang Boom Boom Thailer, Isa Pa Isa Pa, at Aida Favorite at magsisimula ang 1st Pick 6 sa Race 3 pinapaboran ang Money For Shelltex, Pendant, Hot Leg at Trust Worthy.


Sa Race 4 magaganap ang 2nd WTA na pinapaboran ang Money In My Pocket maging ang You Never Know at Golden Octagon. Sa Race 5 tatakbo ang 2nd Pick 5 at pinapaboran ang Refuse To Lose, Two Timer at Hot And Spicy.


Sa Race 6 mangyayari ang 3rd WTA at pinapaboran ang Isla Dee Zap, Sorority Girl, A Song For Gee at Hello Junior at sa Race 7 magaganap ang 2nd Pick 6 at pinapaboran ang Toni’s Wet Lips,Siquijor at Divine Dancer.


Sa Race 8, naroon ang 3rd Pick 5 na pinapaboran ang Batang Bangkal Plus, Ashea’s Will at Can you Giub habang magsisimula ang Pick 4 sa Race 9 at ipinapatok ang Kaka and Bachi at ang Prettiest Star, El Mundo at Silver Glow.


Sa Race 10 nakalalamang ang Bullet Proof habang panegunda ang This Time, liyado ang Call to Honor at makakalaban ang MacArthur Park sa Race 11 habang sa Race 12 nakalalamang ang I Love Matty at makakalaban ang Iron Hook.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page