top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Aurin at Razon ng Altas, bibida sa 98th NCAA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 5, 2022



Makokonsiderang isa ang University of Perpetual Help System DALTA Altas sa mga powerhouse team sa panibagong 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) na tiyak na pagbibidahan ng hinog na hinog ng si Kim Aurin at Jielo Razon sa pagbubulas ng bagong kabanata ng men’s basketball tournament simula Setyembre 10.


Naging malaking tulong para sa Las Pinas-based squad ang pagtutulungan ng backcourt tandem ng 25-anyos na shooting guard na si Aurin at Batangas-native na si Razon upang mabitbit sa pagbabalik sa Final 4 ng koponan kasunod ng matinding pagnanais sa play-in stage, kung saan tinalo nila ng sunod-sunod ang Lyceum Pirates at Emilio Aguinaldo Generals sa elimination round habang pinadapa ang Arellano Chiefs at College of Saint Benilde Blazers sa play-in round bago yumuko sa back-to-back champions na Letran Knights na kamuntikan na nilang silatin sa 75-77 sa Final Four.


Makakatulong nina Aurin at Razon sa kanilang line-up na nanatiling intact sina Jeff Egan, Rey Barucama, Mark Omega, Lean Martel, JP Boral, John Abis, Cris Pagaran, at Jasper Cuevas para tumapos sa 97th season na may 4-5 kartada na minamanduhan ni coach Myk Saguiguit.


“Manalo lang kami every game, makakuha kami ng mga panalo na kaya namin tapos makapag-Final Four and hopefully, makapasok sa Finals,” pahayag ni Egan sa online sports page, na siyang tatayong team captain.


Nakakuha rin ng malaking karanasan ng lumahok sila sa preseason ng 2022 FilOil EcoOil Preseason Cup, kung saan nagisnan ang pag-usbong ng bagong husay sa kopona na pinagbidahan ni Cyrus Niture na naging top scorer.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page