Aubrey Miles, balik-acting
- BULGAR
- Aug 19, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Entertainment | August 19, 2024

Muling magbabalik sa pag-arte ang aktres na si Aubrey Miles na aminadong maraming natututunan sa kanyang co-stars sa upcoming Philippine adaptation ng Korean series na Shining Inheritance.
Pagbabahagi ni Aubrey, humanga siya sa mga kasamang artista pati na sa mga young stars dahil may natututunan siya sa mga ito. May mga atake raw ang mga kasama niya sa pag-arte na iba sa kinasanayan niya.
“The attack na ginagawa nila is different from what I'm used to. But of course, it's good, too,” saad ng aktres.
Inamin din nitong nakikita niya ang pagkakaiba-iba nila sa pag-arte lalo na't kasama niya sina Coney Reyes, Kyline Alcantara, at Michael Sager sa nasabing drama. Masaya naman daw ang aktres dahil mula sa iba't ibang generation ang makakasama niya sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Kasama sa Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.





Comments