Atty. Bondoc, ayaw alamin kung nasaan si Sen. Bato
- BULGAR

- 48 minutes ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 31, 2026

Photo: Jimmy Bondoc - Ronald Bato Dela Rosa FB
Nanindigan si Atty. Jimmy Bondoc at ang legal team ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na wala silang impormasyon kung nasaan ngayon ang senador.
Ito ay kasunod ng pag-alis ni Dela Rosa noong madaling-araw ng Mayo 14, matapos ang tensyon at kaguluhang naganap sa Senado.
Sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe nitong Biyernes, sinabi ni Bondoc na bukod sa hindi niya alam ang lokasyon ni Sen. Bato, sadyang hindi rin niya gustong malaman ito.
“Puwede n'yo pong itanong kahit ano sa akin, huwag lang kung nasaan siya dahil sinasabi ko na po ang totoo… Hindi ko po alam, hindi ko po nais alamin,” ani Bondoc.





Comments