Atras mag-senador, mister papalitan… LUCY, MAYOR SA ORMOC, GOMA, CONG. NAMAN
- BULGAR
- Sep 17, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | September 17, 2021

May mga supporters si Congw. Lucy Torres-Gomez na na-disappoint sa announcement na hindi naman pala siya tatakbong senador sa 2022 elections gaya ng mga nabalita dati. Sinasayang daw nito ang kanyang potential kung hindi tatakbo sa pagka-senador.
Remember, kasama ang pangalan niya sa senatorial slot ng partido nina Senator Ping Lacson at Senate President Tito Sotto. Nasa senatorial line-up din siya ng partido ni President Rodrigo Duterte.
Kaya lang, in-announce na ni Congw. Lucy at asawang si Ormoc City Mayor Richard Gomez na magsu-switch sila ng position. Ang ibig sabihin, si Lucy ang papalit kay Goma at tatakbong mayor sa Ormoc City at si Goma ang tatakbong 4th District representative.
On the other hand, maganda na rin ang desisyon ni Lucy na palitang mayor ng Ormoc City si Goma para maipagpatuloy niya ang mga programa nito para sa siyudad. Ang hihintayin na lang natin ay ang pagpa-file nila ng candidacy sa October.





Comments