Atong at Gretchen, suspek na sa 'missing sabungeros' — Remulla
- BULGAR
- 7 days ago
- 1 min read
ni BRT @News | July 4, 2025
File Photo: Boying Remulla, Atong Ang at Gretchen Barretto - FB / Interview - TV5 / Circulated / IG
Isasama na sa listahan ng mga suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang at aktres na si Gretchen Barretto, ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Kasunod ito ng paglantad ng dating tauhan ni Ang na si Julie 'Dondon' Patidongan o alyas Totoy, kung saan pinangalanan ang negosyante at si Barretto na may kinalaman umano sa pagkawala ng mga sabungero.
“Pinangalanan sila, then we will have to include them as the suspects,” pahayag ni Remulla sa panayam kahapon.
Sinabi rin ni Remulla na ang mga pormal na kaso ay isasampa laban sa dalawang personalidad “sooner than later”.
“Sooner than later, it will happen. Ie-evaluate ‘yan ng ating group of fiscals that will be assigned to evaluate all the evidence so that we will know what cases to file properly,” dagdag pa ni Remulla.
コメント