Atletang nagte-training sa Baguio, babalik Philsports
ni VA - @Sports | February 20, 2022

Planong bumaba na sa Philsports Complex sa Pasig City ng mga nalalabing atleta ng Philippine athletics team buhat sa kanilang Baguio City.
Nauna nang nag-training ang miyembro ng athletics team Baguio Athletic Bowl nila noong Oktubre ng nakaraang taon. Ngunit inihiwalay sa kanila ang mga kabilang sa jumping at sprinting events na sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite nagpatuloy ng pagsasanay.
Pinayagan na ng Philippine Sports Commission ang mga national athletes na muling makapag- training sa PhilSports Complex at Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
"Nag-start ang athletics team ng bubble training sa Baguio City last October 10. Kami kasama yung mga jumpers and sprinters, lumipat sa Vermosa noong Enero 5," ayon kay sprint and jumping coach Jojo Posadas.
Kasama ni Posadas sa Cavite sina coach Joebert Delicano at mga athletes na sina Mark Harry Diones, Anferee Lopeña, Ronne Malipay at Katherine Santos. "So far, okay naman kami dito sa Vermosa, mga jumpers at sprinters na under sa akin. Hindi kami puwede sa Baguio dahil sobrang lamig na, hindi puwede sa mga explosive events. Madaling maka-injury kapag malamig," wika pa ni Posadas.
Ayon kay Posadas, umaasa silang sa kabila ng limitado nilang training at kawalan ng international exposure ay makakapagpakita pa rin ng magandang performance ang kanilang mga atleta sa darating na Vietnam SEAGames.





Comments