top of page
Search
  • BULGAR

Asahan at paghandaan ang rotational brownout sa Luzon

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 3, 2022



Ninipis ang reserba ng kuryente ng Luzon grid, na maaaring maging sanhi ng mga brownout ngayong election season, kung hindi madaragdagan ang power supply, ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (Imepo).


Ayon sa simulations ng Imepo, 67 na yellow alert level warnings ang nagbabanta sa Luzon mula March hanggang June kung hindi masusustentuhan ang supply ng kuryente.


Ang yellow alert ay senyales na manipis na ang supply ng kuryente, na maaaring humantong sa red alert.


Sa ilalim ng red alert ay mapipilitan ang grid operator na mag-implementa ng rotational brownouts na tulad ng naranasan noong nakaraang taon.


Kamakailan din ay sinabi ng Institute of Climate and Sustainable Cities (ICSC) na aabot sa 1,355 MW ang projected power supply deficit ng bansa sa paparating na tag-init.


☻☻☻


Inaasahan natin na agarang aaksiyunan ng pamahalaan ang pagsiguro ng supply ng kuryente bilang commitment nito sa maayos na pamamalakad ng pambansang halalan.


Sa halip na magbangayan at magturuan, nananawagan tayo sa ating mga electricity stakeholders na magtulungan para masolusyunan ang nakaambang krisis.


☻☻☻


Mula noong Martes, March 1 ay ibinaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 na iba pang mga lugar sa bansa.


Ang Alert Level 1 ang pinakamababang level ng restrictions.


Nakikiusap tayo sa ating mga kababayan na bagama’t mas malaya na tayong nakagagalaw ay huwag sana nating kalimutan ang ibayong pag-iingat.


Patuloy nating obserbahan ang mga minimum health and safety protocols dahil hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19, bagama’t patuloy na bumababa ang mga kaso.


☻☻☻


Paalala sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page