Arrest warrant vs. Discaya couple
- BULGAR

- Jun 6
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 6, 2026

Photo: File / Senate PH
Ipinaaaresto ng Bulacan Regional Trial Court Branch 20 ang contractor na si Curlee Discaya sa kasong malversation kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Naglabas ng warrant of arrest ang korte sa Bulacan laban kay Discaya kasama sina Sarah Discaya, Roma Rimando, dating DPWH engineers na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at anim pang iba.
Ang kasong malversation ay walang piyansa, kaya inaasahang magbubuno ng panahon ang mga kinasuhan sa kulungan.
Si Curlee ay kasalukuyang nakadetine sa Senado habang si Sarah ay nakapiit sa Lapu-Lapu City Jail dahil sa kasong graft at malversation na wala ring piyansa.
Ang mga akusado ay nagsabwatan umano sa multi-milyong pisong anomalya sa flood control mula sa pondo ng gobyerno na karamihan sa mga proyekto ay hindi tinapos, at ang iba ay hindi talaga naumpisahan.





Comments