top of page

ARNELL, PINALITAN NA SA OWWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 17, 2025



Photo: Arnell Ignacio - Overseas Workers Welfare Administration - FB


Nag-appoint na si Presidente Bongbong Marcos kahapon ng bagong OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Administrator, si Patricia Yvonne (PY) Caunan na dating undersecretary ng Department of Migrant Workers.


Pinalitan ni Caunan si Arnell Ignacio as OWWA Administrator. 


Nabalitaan namin from a source na close friend daw si Admin Yvonne ng showbiz celebrity na may initials na AC. At ayon pa sa aming source, engaged na raw si AC at si Admin Yvonne. 


How true?


‘Di pinapunta sa burol… KALAHATI NG PAMILYA NI HAJJI, AYAW KAY ALYNNA


SUCCESSFUL ang muling pagbabalik ni Sensual Siren of Songs Alynna sa concert stage sa kanyang I’m Feeling Sexy Tonight (IFST) show last Wednesday.


Sinuportahan si Alynna ng kanyang family, friends, and fans na nanood sa kanya sa Viva Café. Inawit ni Alynna ang kanyang hit songs na Kahit Gaano Kalaki at Pasumpa-sumpa (PS).

Marami naman ang naiyak when she sang Tag-Araw, Tag-Ulan (TT) na original song ng kanyang partner for 27 years na si Hajji Alejandro. 


Nagtapos ang set ni Alynna sa kantang Tuloy Pa Rin Ako.


But the crowd still requested for more at dito kinanta niya ang Till My Heartache Ends na ang ganda-ganda ng version ni Alynna. May mga nag-suggest na i-record niya ang song kasi nga maganda ang interpretation niya at bagay sa kanya ang lyrics ng kanta.

Si Alynna ang namili ng mga kanta niya sa IFST.


“Kasi depende sa nararamdaman ko. Tapos for approval na nila kung okey, pero kanina, ‘di ako pumayag… kasi parang, nagpraktis naman ako na hindi iiyak, eh.


“It’s just hard ‘pag bumabalik, and to this day kasi, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Hajji,” panimula ni Alynna nu’ng mainterbyu namin after the show.


Aminado si Alynna na until now ay nami-miss pa rin niya si Hajji.

“‘Yung pagka-suplado n’ya at saka ‘yung ‘pag may show s’ya, nag-aano s’ya… naku, patay na patay ako du’n ‘pag naka-suit na, eh,” kuwento ni Alynna.


Pagpapatuloy niya, “It’s just like seeing him for the first time every time he sings and we’ve been together for 27 years. But it’s always the first time ‘pag napapanood ko s’ya.”


Napakapribadong tao raw ni Hajji.


“What you see in public is what he really is in public. He's an introvert. He’s very intelligent. He watches movies all the time. Pero magkahiwalay kami kasi iba ‘yung gusto kong panoorin, iba ‘yung kanya.


“Basta tahimik lang s’yang tao. Napakalalim n’ya. He’s very loving. ‘Yung iba, akala nila, suplado. But, mahiyain lang din talaga s’ya,” sey pa ni Alynna.


Malungkot naman na sinagot ni Alynna kung gaano kahirap para sa kanya ang last few days ni Hajji.


“So difficult,” diin niya. 


Aniya, “Because I have to act like normal lang s’ya. Kasi hindi namin dapat ipakita sa kanya

na naaawa kami. But I’m pretty sure na naaawa rin siya sa sarili niya. Knowing Hajji kasi, he’s a perfectionist. May konting-konting-konting yabang siya sa sarili niya na, ‘I am Hajji.’

“Now that he sees himself na incapacitated and he can’t even talk, I’m sure naaawa s’ya sa sarili niya. And we don’t want to show him na malungkot kami.


“So, pagkaharap mo s’ya, nagpapatawa pa rin ako sa kanya. Pero ‘pag nakatalikod na s’ya, I see skin and bones. Hindi ko kinakaya. Kami ni Rachel (Alejandro, Hajji’s daughter), umiiyak kami sa likod n’ya.”


Sa unang pagkakataon ay inamin ni Alynna sa media ang tunay na relasyon niya sa pamilya ni Hajji.


Pahayag ni Alynna, “Half of the family, hindi talaga ako gusto, lalo na nu’ng naging kritikal si Hajji. I think I know why. Ayoko na lang magbanggit.


“But people who would read you or listen to you would know, and would read between the lines. Hindi ko naman po sila masisisi for thinking that way. Okey lang.


“Ang akin naman, I’m there because of Hajji. Because I know he wants to see me kahit na napakahirap sa akin na ma-reject ka. Kasi, talagang ni-reject ako. Ayoko na lang talaga makipag-away.”


Ipinamukha raw sa kanya ng ilang kapamilya ni Hajji ang pagka-disgusto nila kay Alynna.

“Hindi naman harap-harapan, kasi ‘pag kaharap ako, iba, eh. Pero once na wala na ako, maririnig ko na lang na uutusan ‘yung maid na hindi siya (Alynna) puwedeng pumunta ng ganitong oras kasi nandito kami.


“So, ‘yung last eight days n’ya, si Ali and Rachel reached out to me. Kasi feeling nila last day. Kasi ano na, eh, very shallow na 'yung breathing.


“So, I thanked them. Sabi ko, ‘Thank you, tinawagan n’yo ako because I think about him for a month and two weeks na.’ When I got there, nakita ako ni Hajji, talagang nag-iba ‘yung mukha n’ya.


“For some reason, na-extend pa. Biglang gumanda pa ‘yung breathing niya, eh. But then, sabi ko nga, wala, eh, kalat na. But his brain is so sharp.


“Naghihingalo na nga s’ya, may hinahanap ako, s’ya pa tinanong ko, eh. Pero ‘yung katawan n’ya, talagang bumigay na and he tried to hold on.


“Alam ko ‘yun kasi binigyan s’ya ng choice ng doctor kung gusto n’yang magpa-inject, you know, to sleep. Deep sleep lang, ganu’n.


“Kasi, ‘yun din ‘yun, eh. You’re just processing his death, eh, for the past few days. And everybody knew it.


“Alam n’yo, ‘di n’ya tinanggap ‘yung injection and I know why, eh. Kasi he wants to live another day because anniversary kasi namin, ganu’n.


“Alam ko 'yun, eh, ganoon s’ya ka-ano. But then, sabi ko na lang sa kanya, ‘Okey lang ako. Go. Go with God. Okey lang ako,’” tuluy-tuloy na sabi ni Alynna.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page