top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Army, pinilay ang Titans; Blazers vs. Chiefs sa Game 1

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 20, 2022




Inatake ng husto ng Army-Black Mamba ang pilay na Choco Mucho Flying Titans upang pabagsakin sa four-set panalo sa bisa ng 25-22, 22-25, 26-24, 25-19 sa unang laro ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa FilOil Flying V-Centre sa San Juan City.


Nagpamahagi ng opensiba si dating NU Lady Bulldogs setter Ivy Perez ng 27 excellent sets, 7 excellent digs at 9 puntos (5 atake, 2 aces, 2 blocks) para tulungan ang Lady Troopers sa back-to-back na panalo.


“Well actually wala namang nagbago, [pero] actually nadagdagan siya ng nadagdagan kase kapag nag-win eh ang morale tataas talaga tapos naglalaro lang kami inside the court, hindi na rin masyadong nara-rattle, nakakabalik agad, hindi nawawala kase may nagga-guide eh.


Isa rin naman yung nais naming mapuntahan, nais naming manalo, yun lang naman yung gustong mangyari ng lahat, gusto naming manalo,” pahayag ni Perez.


Samantala, mag-aagawan para sa unang panalo ang defending three-peat champion na Arellano Lady Chiefs at undefeated College of Saint Benilde Lady Blazers para sa unang panalo sa Game 1 ng best-of-three Finals ng 97th NCAA women’s volleyball tournament ngayong hapon sa FilOil Flying V-Centre sa San Juan City.


Determinado ang Arellano na makamit ang ika-apat na sunod kampeonato na napurnada noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic, nais nilang ipagpatuloy ang paghahabol sa korona kahit pa man naantala ito ng bahagya laban sa gumulpi at nagwalis sa kanila sa elimination round. “Ngayong tumuntong na kami sa Finals, sobra-sobra ang ginagawa naming preparation. Hindi kami nagpapahinga, kase alam naman naming yung makakalaban namin eh pader kung sa pader, tore kung tore, so kami gagawa kami ulit ng panibagong strategy kung paano kami makaka-cope up sa kanila,” pahayag ni Arellano head coach Obet Javier.


Tiyak na makakakuha ng matinding laro si Javier sa mga pambato nitong sina Princess Bello, Nicole Sasuman, Carla Donato, Trina Abay, Charmina Dino, rookie setter Kristine Adante at Pauline De Guzman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page