top of page
Search
  • BULGAR

Arjo Atayde at Maine Mendoza, engaged na!

ni Lolet Abania | July 29, 2022




Sinorpresa ng aktres na si Maine Mendoza ang netizens nang ianunsiyo niya ngayong Biyernes ang engagement nila ng kanyang longtime boyfriend na si Quezon City Rep. Arjo Atayde.


Sa kanyang Instagram, in-upload ni Maine ang mga behind-the-scenes ng mga larawan ng naganap na proposal. Habang may caption ang aktres, “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!.”


Mahigit tatlong taon ding magkasintahan, bago ang journey to forever ng 27-anyos na si Maine at 31-anyos na si Arjo.


Agad namang napuno ang comment section ng aktres ng mga congratulatory messages para sa dalawa.


Kabilang sa mga celebrities na nagbigay ng pagbati ay ang sister ni Arjo na si Ria Atayde at “Eat Bulaga” colleagues ni Maine na sina Maja Salvador at Pauleen Luna at marami pang iba.


Batay sa isang source, nag-propose umano si Arjo kay Maine nitong Hulyo 28, 2022, sa Tali beach, Nasugbo, Batangas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page