top of page
Robin Padilla - FB

Argentina dumagdag sa listahan ng FIFA Last 16  

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 5, 2026



Lebron James - FB

Photo: Kinikilala sa buong mundo sina Cristiano Ronaldo at Lionel Messi bilang pinakamahuhusay na manlalaro ng football sa kasaysayan. Sa loob ng halos dalawang dekada, nangibabaw sila sa mundo ng football, bumasag ng hindi mabilang na mga rekord, at nagbigay inspirasyon sa milyun-milyong tagahanga sa buong mundo. Madalas na pinagtatalunan ng mga tao kung sino ang pinakamagaling, ang parehong manlalaro ay bumuo ng mga pambihirang karera sa kani-kanilang natatanging paraan. Pumasok na pareho sa last 16 ang kani-kanilang mga teams na Argentina at Portugal sa FIFA World Cup.  



Laro sa Lunes - Last 16

1 AM Canada vs. Morocco

5 AM Paraguay vs. Pransiya


Kinumpleto ng defending champion Argentina ang nalalabing 16 koponan sa FIFA World Cup 2026 kahapon matapos takasan ang palaban na Cabo Verde, 3-2, sa extra time sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida. Pinatid ng Colombia ang Ghana, 1-0, at kinailangan ng Ehipto ang penalty shootout para pauwiin ang Australia.


Sinalo ni Cristian Romero gamit ang kanyang ulo ang corner kick ni Leo Messi subalit dumaplis ang bola kay Diney Borges ng CV bago ito pumasok kaya ibinalang ito sa kanya para mabasag ang 2-2 tabla sa ika-111 minuto. Nanatiling agresibo ang CV sa paghanap ng panablang goal subalit hindi ito dumating.


Pinatibay ni Messi ang kanyang pagiging numero uno sa pinakamaraming goal sa kasaysayan ng WC sa ika-29 pero sinagot ito ni Deroy Duarte sa ika-59. Pagsapit ang extra time ay nagpalitan ng goal sina Lisandro Martinez ng Argentina (92') at Sidny Lopes (103').


Sa Arrowhead Stadium sa Kansas City, Missouri, sapat ang nag-iisang goal ni midfielder Jhon Arias sa ika-14 para itulak ang Colombia sa susunod na yugto. Haharapin nila ang Switzerland sa Hulyo 8.


Magsisimula ang Last 16 ngayong araw sa tapatan ng co-host Canada at 2030 co-host Morocco. Susundan ito ng Pransiya at Paraguay.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page