ARCI, NAGKA-NEGOSYO SA SOUTH KOREA DAHIL SA BTS
- BULGAR
- Mar 8, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 8, 2023

Ngayon ay masasabi na ang rason ng madalas na pagpunta ni Arci Muñoz sa South Korea. Hindi para i-stalk ang kanyang favorite K-pop group na BTS gaya ng inaakala ng marami, kundi dahil sa business na pinasok niya roon.
“Ngayon po, we partnered with the official BT21 merchandise in (South) Korea. So, ako rin po ang CEO noon. So, I’m just sharing kung ano ‘yung nagpapasaya sa akin,” paglalahad ni Arci nu’ng makausap namin sa grand launch ng NDM Studios na pag-aari ni Direk Njel de Mesa.
Ang BT21 merchandise ay mga characters na nilikha ng sikat na K-pop group na BTS. Bawat isang character ay representation ng bawat member ng BTS.
Ang mga characters na nilikha ng BTS ay Universtar BT21, Koya, RJ, Shooky, Mang, Chimmy, Tata, Cooky at Van.
“Through the merchandise na nabibili ng BTS fans, at least, madali na ang access to buy them sa official store. Hindi peke and I’m always in Korea meeting with these people,” pagbabalita ni Arci.
Nagkaroon pa ng negosyo si Arci sa pagiging diehard BTS fan at milyong piso na rin naman ang nagastos niya sa pagbili ng mga BTS merchandise na ngayon, pagkakakitaan na rin niya.
Ayon kay Arci, kakaibang happiness ang ibinibigay sa kanya ng pagiging BTS Army (tawag sa mga fans ng sikat na K-pop group).
“What do I like about them? Everything,” ngiti ni Arci.
“They inspire me in so many levels. So, hindi ko po ma-explain, eh. I guess if it is really just to make you happy, hindi mo na kailangang i-explain kahit kanino.”
Dedma naman si Arci sa mga namba-bash sa kanya or malamang naiinggit lang dahil nakaka-access siya sa mga concerts at iba pang ganap ng BTS.
Bukod umano sa Arci’s Mundo, ipinrodyus din ng NDM Studios ang bagong pelikula ni Arci na pinamagatang Kabit Killer directed by Njel de Mesa.
It’s a farcical dark comedy, ayon kay Arci, tungkol sa isang hired-woman-assassin targeting mistresses from around the globe, at sa kanyang pag-uwi sa 'Pilipinas, malalaman niyang may kabit ang kanyang mister.
Sa Cambodia, Malaysia, Indonesia at sa 'Pinas nag-shoot sina Arci at Direk Njel.
“Ipinahanap talaga ako ni Direk. He wanted daw to pitch a movie for me. So, ayun. Nag-pitch siya sa akin. ‘Yung kuwentuhan, parang nandoon ako ng lunch hanggang dinner.
Nagkuwentuhan lang kami and then, ‘yun, nag-collaborate kami.
“Sabi ko, ang dami ko kasing ideas pero I just don’t know kung paano ko sila mailalatag. So, ang galing ni direk. Sobrang grateful ako kay God kasi parang sumasang-ayon sa lahat ng gusto natin, kung ano nang gusto ng heart ko talaga. Gusto ko lang na i-guide ako ni Lord sa lahat ng ginagawa ko,” pahayag ni Arci.
First time lang daw niyang magkaroon ng travel and food show.
“I’ve been traveling a lot, like last year, tumira ako sa States for eight months nang ‘di sinasadya. And when I was there, nag-ano po kami, mga inter-state. Nag-rent kami ng trailer and then, inikut-ikot namin ‘yung mga states sa US ng best friend ko."
And with the help of Direk Njel, matutupad na ang isa pang pangarap ni Arci — ang makapagdirek ng pelikula na malamang ay mangyari na this year.








Comments