Rabiya Mateo, na-diagnose ng depression, anxious distress
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
by Info @Lifestyle | January 17, 2026

Photo: File / Rabiya Mateo
‘EVERYDAY WAS A STRUGGLE TO SURVIVE’
Ibinulgar ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa social media na na-diagnose siya ng depression at anxious distress noong 2025.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Rabiya ang kanyang sitwasyon.
“I had my several rounds of medication. I left the country for 3 months so I won’t get triggered by people who have no idea what I’ve been going through,” aniya sa caption.
Kuwento pa ni Rabiya, umabot pa sa puntong ide-deactivate niya ang lahat at maglaho na lang para sa tahimik na pamumuhay, “I fought hard and still fighting up until now.”
Dagdag pa nito, ang nangyari kay Emman Atienza at ang iniwang sakit nito sa kanyang pamilya ang nasa likod ng ipinangako sa sarili na hindi siya susuko, “I don't want my Mama to experience the same thing.”
“You don’t know how little kindness mean to a depressed person like me and how your words can push me to do something else,” saad pa ni Rabiya.








Comments