Arbois tinapos ang paghahari ni Flores sa Manila Marathon
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | June 14, 2026

Photo: Kampeon ng 2026 Galaxy Manila Marathon 42km run si Arlan Arbois Jr. (2:13.15) at Elias Taiswa. (A. Servinio)
Bagong ruta, bagong kampeon sa Galaxy Manila Marathon 2026 kahapon sa MOA. Winakasan ni Arlan Arbois Jr. ang dalawang taong paghahari ni Eduard Flores sa 42.195 kilometrong karera na tampok sa unang pagkakataon ang kahabaan ng EDSA.
Malupit ang bantayan ng dalawa subalit tuluyang iniwan ni Arbois si Flores sa Ayala Underpass pabalik ng MOA galing sa u-turn sa SM North Annex. Gusto sana ni Arbois na magtala ng bagong personal na marka pero hindi niya itinuloy bunga ng sobrang init at mahalumigmig na panahon.
Umoras si Arbois ng 2:31:15 na 25 segundo lang ang agwat sa 2:31:40 ni Flores na kampeon noong 2024 at 2025. Pangatlo si Edsel Moral sa 2:34:51.
Kampeon sa kababaihan si Jewel de Luna sa 3:22:07. Pangalawa ang beteranang si Jocelyn Elijeran na 3:29:29 at pangatlo si May Angelie Mag-aso sa 3:37:08.
Tanging si Elias Taiswa ng Kenya ang ginawaran sa Men's International dahil siya lang ang umabot sa takdang oras na 2:45:00 na 2:34:18. Dalawa ang pumasa sa 3:15:00 ng kababaihan na pangkalahatang pinakamabilis ang balikbayan na si Eloisa Cusi ng Estados Unidos na 3:13:03 at Lily Jeruto ng Kenya sa 3:14:40.
Mga pambansang atleta na sina kampeon Sonny Wagdos at Artjoy Torregosa at pangalawa si Richard Salano ang bumida sa 21.1 kilometro Half-Marathon. Galing pa sila ng New Clark at bumalik agad doon para sa ICTSI National Open.
Kabuuang 25,000 ang lumahok sa Marathon, Half-Marathon, 10 at limang kilometro. Matagumpay din ang ginawa ng MMDA at mga dinaanang lungsod upang maayos ang daloy ng trapiko sa pagsara ng bahagi ng EDSA ng walong oras hanggang 8:00 AM.





Thank you again for providing this useful information and keeping the community informed. Whether someone is a long-time lottery enthusiast or just an occasional participant, having access to accurate how to clean old photos and timely results is always appreciated. I look forward to continuing to visit this page for future updates and wish the team continued success in delivering helpful content to its readers. Great work and keep it up!