top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aray ko! LIZA, GINAMIT LANG SI ENRIQUE, UMAMING 'DI NAMAN HAPPY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 8, 2023



Batid kaya ni Liza Soberano na mas lumaki ang isyu niya at lalong nasisira ang kanyang imahe sa publiko simula noong sumabak siya sa lie detector challenge sa vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo, lalo nang banggitin niya na sa kanila ni Enrique Gil unang inialok ang Hello, Love Goodbye?


Ayon pa sa mga netizens, kikita ba nang milyun-milyon ang Hello, Love, Goodbye kung sila ni Enrique ang bida sa movie?


“Hindi lang pala siya ingrata kundi isang dakilang ilusyunada” dagdag pa ng mga ito.


Parehong sikat noon sina Kathryn Bernardo at Alden Richards kaya’t naging blockbuster ang movie. Hanggang ngayon, hindi pa nabe-break ang record nito sa takilya.


Ang ikinasama pa ng loob ni Liza ay nang malaman niyang may balak pagtambalin sina Enrique at Kathryn. Dito umano nag-panic ang aktres. Si Enrique pa naman ang tangi niyang comfort zone noon sa ABS-CBN.


Tiyak na sasama rin ang loob ni Enrique Gil sa sinabing ito ni Liza. Comfort zone lang pala ang turing sa kanya ng nobya at hindi naging masaya sa panahon na sila ay magka-love team.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page