Aray ko, Jinkee!... PACQUIAO, 'DI PA TUMATAKBONG PRESIDENTE, AYAW NANG IBOTO

ni Nitz Miralles - @Bida | December 4, 2020

Marami ang nag-akalang si Sen. Manny Pacquiao na ang standard bearer ng PDP-Laban sa 2022 presidential elections dahil sa balitang siya na ang bagong PDP-Laban president.
Hindi kasi binasa nang mabuti ng mga nag-react ang banner na “Pacquiao is new PDP-Laban President” at akala, siya na ang tatakbong president ng bansa.
May mga agad nagpahayag na hindi na lang sila boboto at nagbago lang ng tono nang ikorek na PDP-Laban president pa lang si Senator Manny at hindi pa tatakbong presidente ng bansa.
Pero, ‘wag na ring magtaka at magulat dahil nauna nang nabalitang tatakbo ngang presidente ng Pilipinas si Senator Manny Pacquiao.





Comments