Araw ng Kalayaan win, kuha ng PHL Volley U18 vs. Aussies
- BULGAR
- Jun 13, 2022
- 2 min read
ni MC - @Sports | June 13, 2022

Umiskor ng panalo ang Team Philippines sa 14th Asian Women’s U18 Volleyball Championship matapos walisin ang Australia, 25-20, 25-19, 31-29, sa consolation round kahapon sa Nakhon Pathom Sports Center Gymnasium sa Nakhon Pathom, Thailand.
Kuminang ang opensa nina Ana Francesca Hermosura na may 12 puntos, Kimberly Chelmei Rubin at Rhose Viane Almendralejo,may tig-pitong marka, habang si Dona Mae De Leon ay nag-ambag ng limang puntos para sa Pilipinas.
“Sobrang saya,” anang Iloilo City-native na si Hermosura. “Kami ay isang koponan na binubuo ng mga manlalaro mula sa edad na 13 hanggang 16, kami ay isang batang koponan ngunit ginagawa namin ang aming makakaya sa bawat laro upang kumatawan nang maayos sa bansa.”
Nagbigay daan ang straight-set na tagumpay ng Jerry Yee-mentored national girls U-18 team na magpatuloy sa battle-for-9th place game laban sa India noong Lunes ng umaga. Nauna nang natalo ang Pinay spikers sa India sa group stage game.
Sa paghabol sa 11-18 sa pambungad na set, ang Pilipinas ay nagpunta sa isang napakalaking run sa likod nina Hermosura at Jothea Ramos para sa isang 20-all count. Sunod-sunod na pagkakamali ng Australia, back-to-back aces ni Hermosura at pag-atake ni De Leon ang kumumpleto sa laban ng mga Pinay.
“Sa wakas nakaisa rin kami,” ani assistant coach Roberto Calamba Jr. “Credit goes to the players na kahit na natalo kami in our group stage matches at kahit na inaaraw -araw sila ng bashers na kapwa Pilipino pa man ay hindi sila pinanghinaan ng loob.”
“Napapanahon din na nakuha ng koponan ang unang panalo sa Araw ng Kalayaan. Ang mga batang babae na ito ay umaasa na ipinagmamalaki nila ang bansa,” dagdag niya.
Bago talunin ang mga Australian, ang Western Visayas-reinforced Philippines U-18 squad ay dumanas ng magkasunod na kabiguan sa kanilang mga laban sa group stage laban sa India, Kazakhstan, China, Chinese-Taipei at defending champion Japan.
Sa bahagi ng Australia, natapos nila ang isang linggong U-18 girls volleyball competition sa ika-11 at huling puwesto.





Comments