top of page

Aprub sa Kamara… Birth, death at marriage certificates, 'di na kailangang i-renew

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | June 2, 2021



ree

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa permanent validity ng birth, death at marriage certificates ngayong Miyerkules.


Pasado na ang House Bill 9175 o ang panukalang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act, kung saan nakakuha ito ng 199 affirmative votes sa Kamara.


Nakasaad sa mandato ng bill na permanenteng balido na ang mga certificates ng live birth, death at marriage na na-issue, pinirmahan, sinertipikahan o authenticated ng Philippine Statistics Authority at National Statistics Office, at maging ang mga na-issue ng local civil registries.


Gayundin ang permanent validity para naman sa mga reports ng birth, death at marriage registered na na-issue ng Philippine Foreign Service Posts at naipadala sa PSA kahit anumang petsa ng issuance nito.


Layon din ng panukala ang pagsasagawa ng isang civil registry database at ang pagkakaroon ng isang virtual viewing facility sa mga local civil registries at Philippine Foreign Service Posts upang ma-verify ang authenticity ng mga certificates.


Sa ilalim ng bill, ipinagbabawal na sa mga national government agencies, government-owned at controlled corporations, local government units, pribadong kumpanya, pribado at pampublikong educational institutions at iba pang non-government entities ang paghingi ng mga bagong kopya ng nasabing mga certificates sakaling may isa nang valid nito ang maisa-submit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page