Aprub pa rin ang mayoryang Pinoy sa administrasyong Duterte kahit hirap na sa buhay, weh ‘di nga?
- BULGAR
- Nov 8, 2020
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 08, 2020
BONGGA NA SA PAGGASTOS ANG NCIP—Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang paggasta ng tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng halos P5 milyon sa mamahaling pagkain at meetings sa luxury hotels at restaurants.
Noong sibilyan pa ang namumuno sa NCIP ay napakasimple lang ng tanggapang ‘yan, hindi nakukuwestiyon ng COA, pero mula nang italaga ni P-Duterte ang military man, na si ret. Col. Allen Capuyan, nakukuwestiyon na ngayon sa mga bonggang paggasta sa kaban ng bayan, buwisit!
◘◘◘
KUNG SA ‘PINAS NANGYARI ANG PAGPUTOL SA ERE NG PRESS CON NG PRESIDENTE, SHUTDOWN ANG ABUTIN NITO—Sa gitna ng press conference ni US Pres. Donald Trump, biglang pinutol ng tatlong major networks sa ere ang coverage dahil sa pagsisinungaling at patutsada ng presidente sa dayaan sa halalan sa Amerika kasi wala namang siyang maipakitang pruweba na dinaya siya.
Kung sa Pilipinas nangyari ang ganyan na putulin sa ere ang press con ng presidente, siyento-porsiyento na pagkakasara ang aabutin ng mga networks kasi kita n’yo naman ang sinapit ng ABS-CBN, hindi lang nai-ere ang political ad ni P-Duterte noong last 2016 presidential election, ipina-shutdown na ito, boom!
◘◘◘
KAHIT HIKAHOS NA ANG PAMUMUHAY, APRUB PA RIN SA MAJORITY PINOY ANG LIDERATO NI P-DUTERTE—Nitong nakalipas na buwan ay minarkahan ng Pulse Asia si P-Duterte ng 91% approval rating at sa unang linggo ngayong Nobyembre, sa latest survey naman ng SWS ay itinala nito na 82% daw ng Pinoy ang nakaranas ng paghihikahos na pamumuhay sa nakalipas na isang taon.
Sa mga survey na ‘yan, parang pinalalabas ng Pulse Asia at SWS na aprub sa mayoryang Pinoy ang pamamahala sa bansa ni P-Duterte, kahit pa hikahos na kanilang pamumuhay, boom!





Comments