top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aprub naman sa padir na si Rey PJ… CARLA, UMAMING MAGKA-LIVE-IN NA SILA NI TOM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2020
  • 2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 23, 2020




Gusto namin ang ginamit na salita ni Carla Abellana sa living arrangement nila ng boyfriend na si Tom Rodriguez. Hindi sinabi ng Kapuso aktres na “live-in” sila at sa halip, ang sinabi ay “Thankfully, before lockdown, nakalipat siya rito (sa bahay niya).”


Pasalamat si Carla na magkasama na sila ni Tom sa bahay dahil may katulong siya sa pag-aalaga sa lima nilang mga aso, sa paglilinis ng bahay, paghuhugas ng pinggan, magluto, maglaba at iba pang household chores dahil umuwi muna ang kanyang kasambahay.


Sanay mamuhay mag-isa si Tom at sanay sa mga gawaing-bahay, kaya hindi nito problema kung naglalaba, nagluluto, naglilinis at nagpapaligo ng mga aso.


Sabagay, nasa tamang edad na sina Carla at Tom, kaya maiintindihan ang desisyon nila.

Sa interview nga sa ama ni Carla na si Rey Abellana, nabanggit na suportado niya ang pagli-live-in ng anak at ni Tom para mas makilala pa ang isa’t isa.


Kahit hindi na tinanong, binanggit na rin ni Carla na muling nag-taping si Tom para sa Love of My Life at sorpresa sa mga viewers kung ano ang eksena ng karakter nitong si Stefano na sa story ay namatay.


“He was able to tape for two days at abangan na lang kung bakit nag-taping uli siya. May sorpresa rin ang Love of My Life sa mga viewers dahil ang ending, hindi ‘yun ang ini-expect ng tao. The story did not end with Stefano’s (Tom) death. Ang dami pa palang puwedeng mangyari pati ang kuwento,” ani Carla.


Sa December 28 na ang balik-telebisyon ng Love of My Life at first time ni Carla na naka-experience ng locked-in taping.


“A little bit difficulty at first. May scene nga na gusto ni Direk Don (Michael Perez), sa kaliwang mata lang tutulo ang luha ko. Ginawa ko na ‘yun dati at mabilis kong nagawa, pero dito sa locked-in taping, ‘di ko agad nagawa, ‘di ako makaiyak. Dahil siguro sa pressure. It took me two taping days for me to get back to my character. But as a whole, masaya ang locked-in taping, mas naging close kami at mas nakilala namin ang staff at production staff. Lahat, nagtrabaho to give the viewers of Love of My Life a good show,” dagdag ni Carla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page