Aprub kay Kris… RYZZA-BIMBY, BAGONG ALDUB
- BULGAR

- Jun 15
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 15, 2026

Photo: Ryzza Mae Dizon at Bimby - TVJ Eat Bulaga
Dahil sa naging pahayag ni Bimby Yap na gusto niyang maging ninong sa kasal ni Ryzza Mae Dizon, marami tuloy ang nagtatanong kung may boyfriend na ba ang Eat…Bulaga! (EB!) host?
Bakit hindi man lang nagpo-post si Ryzza Mae ng larawan nila ng BF sa social media? At simula’t sapul, hindi napag-uusapan ang kanyang love life. Ni hindi nga siya tinutukso ng mga hosts ng EB! tungkol sa kanyang mga manliligaw.
Twenty-one years old na si Ryzza Mae kaya expected na ng lahat na may boyfriend o manliligaw na siya. Kaya nauna nang nagsabi si Bimby Yap na gusto niyang maging ninong sa kasal ni Ryzza Mae.
Samantala, marami namang viewers ng Eat… Bulaga! (EB!) ang nagre-request na maulit muli ang guesting ni Bimby. Marunong naman siyang kumanta at hindi takot humarap sa mga tao.
Besides, kailangan nang magsanay si Bimby dahil pangarap niyang pumasok sa showbiz.
Marami rin ang nagsasabing puwede silang maging tandem ni Ryzza Mae. Sila ang bagong bersiyon ng ALDUB — ang RyBim love team.
Komportable ang anak ni Kris Aquino kay Ryzza Mae Dizon, kaya hindi na siya mahihirapang kasama ito sakaling gusto niya ng exposure sa EB!. Payag naman ang kanyang ina.
IPINASILIP na ang teaser ng pelikulang Love, Siargao (LS) na pinagbibidahan nina Alden Richards at Nadine Lustre.
Sa mala-paraisong isla ng Siargao kinunan ang kabuuan ng movie. Na-capture ng kamera ang napakagandang view at tiyak na maeengganyo ang mga fans na ito ay panoorin.
Marami na ang nag-aabang kung mapapantayan ba ng LS ang tagumpay noon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Again (HLA) na certified box-office hit.
May chemistry kaya ang tambalang AlDine at magpapakilig sa mga fans?
Well, ang kuwento naman ng LS ang magdadala at hindi na kailangang magkaroon pa ng totohanang love angle upang ito ay panoorin.
Tiyak namang all-out support ang ibibigay ng mga fans nina Alden Richards at Nadine Lustre.
Sa 3 naging BF sa showbiz…
SARAH, KAY GERALD SOBRANG NASAKTAN
SA isang interview na napanood namin, inamin ni Sarah Geronimo na tatlong aktor ang kanyang nakarelasyon.
Sa kabila ng pagiging istrikto ni Mommy Divine, nakalusot din pala sa panliligaw kay Sarah sina Rayver Cruz, Gerald Anderson at si Matteo Guidicelli.
Nasaktan si Sarah kay Gerald, at dinamdam niya ito nang husto.
Si Matteo naman ang dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi pa napapatawad si Sarah ng kanyang mga magulang.
Sa kabila ng lahat ay ipinaglaban nito ang pagmamahalan nila ni Matteo. Nagawa niyang sundin ang kanyang puso.
Well, agree naman ang publiko sa ginawang desisyon ni Sarah Geronimo. Nasa tamang edad na rin naman siya upang piliin ang landas na gusto niyang tahakin.
Naging mabuti naman siyang anak at nabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at kapatid. Karapatan din niyang lumigaya at pumili ng lalaking magmamahal sa kanya.
MARAMING netizens ang nakapansin na malaki ang ipinayat ni Aga Muhlach. Ayon sa kanila, bumalik na ang kanyang dating porma bilang matinee idol.
Kaya naman, puwede na rin siyang muling tumanggap ng pelikula bilang leading man.
Kahit may mga anak na siyang dalaga at binata, nananatiling taglay ni Aga ang karismang hinangaan sa kanya ng mga kababaihan.
Hindi rin siya alangan na pumareha sa mga sikat na female stars ngayon. Puwede rin siyang maging game show host, kaya mainam na samantalahin niya ang mga oportunidad na dumarating sa kanya ngayon.
Hindi pa panahon para magretiro siya sa showbiz dahil marami pa siyang puwedeng gawin.
Bukod sa pelikula, mabenta pa rin siya bilang product endorser.
Nasa mainstream pa rin si Aga Muhlach at nananatiling mataas ang kanyang value bilang artista.





Comments