top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Appointment uli ng SHS prov’l teachers, aprub na sa CSC – DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | September 3, 2022



Dahil sa kakulangan ng mga kwalipikado at lisensiyadong mga guro, inaprubahan na ng Civil Service Commission (CSC) ang renewal ng provisional appointments ng mga senior high school (SHS) teachers para sa academic year 2022-2023.


Ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Sabado, ang CSC Resolution No. 2200353 ay nagpapahintulot sa reappointment ng SHS provisional teachers na unang na-hire noong 2016 at 2017, sa kondisyon na ang mga guro ay makapagpapakita ng patunay na nakakuha o nag-take na sila ng licensure examination ng tinatayang isang beses sa nakalipas na limang taon.


“The K to 12 Law allows the acceptance of unlicensed teachers to teach specialized subjects in SHS, on the condition that the provisional teacher must pass the Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) within five years,” pahayag ng DepEd.


Gayunman, sa limitasyon ng administration ng LEPT, nakaapekto ito sa mga provisional teachers na makatanggap ng examination noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.


Dahil dito, hiniling ng DepEd sa Professional Regulation Commission (PRC) at CSC na i-prioritize ang apela ng SHS provisional teachers na unang na-hire noong 2016 na tanggapin o i-accommodate ng LEPT administration at i-reassign ng higit sa 5-taon na allowable period.


Kaya naman ang CSC ay ipinagkaloob o nag-grant ng isa pang taon ng appointment extension, kabilang na iyong mga unang na-hire noong 2017.


Ipinangako rin ng commission na ikokonsidera nila ang anumang hinaharap na DepEd appeals hinggil sa naturang usapin.


Ayon pa sa DepEd, nakikipagtulungan na rin sila sa PRC kaugnay sa muling pagbubukas ng online application system upang i-accommodate ang mga SHS provisional teachers na nabigong makakuha ng LEPT slots sa nakaiskedyul na exam ngayong Setyembre 2022.


“Nilalayon ng mga hakbang na makakuha ng sapat na bilang ng mga guro sa SHS na may kadalubhasaan at espesyalisasyong kinakailangan at matiyak ang patuloy na trabaho at kabuhayan ng mga guro ng SHS, lalo na sa gitna ng pandemya,” anang DepEd.


Sinabi pa ng DepEd na mag-iisyu sila ng ipapatupad na mga guidelines, at specific rules and procedures na sang-ayon sa mga kondisyon na nakasaad sa CSC resolution.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page