ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 3, 2024
SA PISTA NG MGA PATAY, PINATAMAAN NI VP SARA ANG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIAN -- Sa kanyang mensahe sa Pista ng mga Patay nitong nakalipas na November 1, sinabi ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na manalangin ang sambayanang Pilipino para sa kapayapaan at katatagan ng bansa sa gitna ng mga hamon mula sa mga kasamaan, kawalan ng katarungan at personal na interes ng iilan.
Malamang, ang mga pinatamaan ni VP Sara sa mensahe niyang ito ay ang mga anti-Duterte politician na patuloy na umaatake sa kanilang pamilya, period!
XXX
BABAGSAK TALAGA ANG RATING NINA PBBM AT VP SARA DAHIL DATING MAY UNITY, PERO NGAYON NAGBABANGAYAN NA SILA -- Sa latest survey ng OCTA ay parehong bumagsak ang rating nina Pres. Bongbong Marcos at VP Sara.
Sa totoo lang, pareho talagang babagsak ang rating nina PBBM at VP Sara kasi nga nawasak na ang UniTeam nila, nagbabanatan na ang kampo ng Marcos at Duterte.
Dati noong may unity pa sila, sa kada labas ng survey, parehong mataas ang rating nila, pero mula nang magbangayan, parehong bumabagsak na ang rating nila, boom!
XXX
NOONG PRESIDENTE PA SI EX-P-DUTERTE, PALAKPAKAN ANG MGA SEN. AT CONG. KAPAG NAGMURA SIYA, PERO NGAYON BAD DAW ANG PAGMUMURA NIYA -- Ayon sa ilang senador at kongresista, bad daw ang ginagawang pagmumura ni ex-P-Duterte sa loob ng Senado.
Diyan makikita na karamihan sa mga pulitiko talaga ay mga ipokrito.
Nasabi natin ito kasi noong presidente pa si ex-P-Duterte, kapag nagmura ito sa mga speech niya karamihan sa mga senador at kongresista ay todo-palakpak with standing ovation pa, period!
XXX
MGA APPOINTEE NI PBBM SA ERC LAGING INAATUPAG, DAGDAG-PAHIRAP SA MAMAMAYAN -- Nitong nakalipas na November 1 ay nagpatupad ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng dagdag-presyo na P1.64 sa kada kilo ng LPG o Liquefied Petroleum Gas.
Hay naku, itong mga appointee ni PBBM sa ERC wala nang inatupag ang mga ito kundi magsagawa ng mga dagdag-pahirap sa mamamayan, kasi mantakin n’yo, katataas lang ng presyo ng mga produktong petrolyo noong October 28, 2024, tapos makalipas lang ang limang araw, sinundan agad ng dagdag-presyo ng LPG, tsk!
Comments