App Masters, lumawig pa ang winning streak sa 3X3
ni Gerard Arce - @Sports | March 20, 2022

Napanatili ng defending 1st conference at second conference 3rd leg champions Limitless App Masters ang kanilang winning streak sa 10 ng itarak ang panibagong tatlong sunod na panalo kahapon sa 4th leg ng PBA 3X3 “Lakas ng Tatlo” sa Smart Araneta Coliseum.
Itinumba ng grupo ni 2022 Top draft pick prospect Brandon Ganuelas-Rosser ang kampanya ng 31st Southeast Asian Games-bound na App Masters kasama sina Jorey Napoles, Marvin Hayes at Reymar Caduyac ang tatlong koponan sa Pool A. Nakakuha ng unbeaten mark na 7-0 patungong finals ang mga ito matapos talunin ang TNT sa finals ng 3rd leg.
Naunang giniba ng Limitless ang Masters Sardines sa visa ng 21-12, Northport sa 21-14 at leg 2 winner na San Miguel Beer sa 21-15, habang makakatapat nito ngayong hapon ang Cavitex Braves, kung saan may pagbabago sa schedule nito batay sa pahayag nina PBA commissioner Willie Marcial at PBA 3X3 chairman Richard Bachmann.
Nag-aasam ng kanilang ika-apat na leg title sa 4th leg ng 2nd conference ang App Masters sa pagtitimon pa rin ni dating PBA player Willie Wilson na may 230pts kasunod ang 1st leg winner na TNT Tropang Giga na may 225pts. Mayroong parehong 2-1 kartada ang San Miguel at Masters Sardines sa mga panalo nito kontra Cavitex 21-16 at Northport 21-13, at Northport 21-10, Cavitex 21-16, ayon sa pagkakasunod, habang tinalo ng Cavitex ang Northport via 21-15.





Comments