top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Apela sa mga botante, 'wag masilaw sa pera nang 'di magdusa

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2023
1 min read

@Editorial | Pebrero 6, 2023


Bagama't sa Oktubre pa ang itinakdang Barangay at Sanggubiang Kabataan Elections (BSKE), ngayon pa lang ay naghahanda na ang mga awtoridad.


Kasabay nito ang patuloy na pagtutok ng Commission on Elections (Comelec) sa "Task Force Kontra Bigay" laban sa talamak na vote buying tuwing panahon ng halalan.


Hindi maitatanggi na mula noon hanggang ngayon ay may bilihan pa rin ng boto.


Patuloy na sinusubok ang tapat at malinis na eleksyon. Kaya dapat lang na tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng poll body sa Philippine National Police (PNP).


Kung nagiging madiskarte ang mga sangkot sa vote buying, dapat na maging mas mabilis ang pag-aksyon ng kinauukulan laban sa kanila.


Hindi na biro ang vote buying sa ating bansa, para na itong sakit na hindi matanggal sa sistema at mas lalo pang lumalala.


Sa ngayon ay binabalangkas na umano ng Task Force Kontra Bigay ang mga bagong panuntunang ipatutupad laban sa vote buying kung saan inaasahang sa mga susunod na buwan ay ilalabas na at magiging katuwang ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatupad ng batas.


Ang isa pang hamon, dapat ay mapanagot ang sinumang mapatutunayang dawit sa vote buying.


Siguruhing makakasuhan at hindi makalulusot.


Gusto rin nating paalalahanan na mas mabigat ang hamon sa mga botante.


Huwag masilaw sa pera nang hindi magdusa. Ang halagang ipinamumudmod ng mga kandidato ay saglit lang kumpara sa haba ng panahon na pagsisisihan ang pagkakaupo nila sa puwesto dahil tuloy lang ang panloloko at korupsyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page