Apela sa DOLE.. Trabaho, stop 'pag grabe ang init

ni Mylene Alfonso | April 25, 2023

Hinikayat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang gobyerno at mga employer na suspindihin ang trabaho kapag naitala ang pinakamainit na panahon.
Ginawa ni Pimentel ang panawagan kasunod ng anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maglabas ng El Niño alert sa susunod na buwan, kasabay ng pangamba na maaaring tumagal ang phenomenon hanggang sa susunod na taon.
“At least outdoor work… suspend work kunyari 11a.m. to 2p.m., 'yung peak, 'yung pinakamainit na part. Dahil sa ibang bansa ginagawa na 'yan eh. I hope the DOLE will also study that,” wika ni Pimentel.
"It doesn’t have to be outdoor. Ang importante 'yung temperature level, dangerous level na 'yung tinatamaan," sabi ng senador.
Aniya, hindi umano ito pahinga at hindi dapat idagdag sa pagpapahaba ng oras ng trabaho at dapat ituring na bahagi ng ibinigay na serbisyo.
"Bumiyahe ka na from to your house to your workplace eh. Tapos biglang uminit, sobrang uminit na delikado na 'yung temperature, bawal ka dapat ipatrabaho. Eh hindi mo na kasalanan 'yun, paid na 'yun,” katuwiran ni Pimentel.
Kabilang dito ang mga nagtatrabaho bilang construction worker, street sweepers at traffic enforcers ayon kay Pimentel.
Dapat aniya nakabase ang suspensyon ng trabaho sa ilalabas na advisory ng PAGASA at aktwal na pagbabasa ng temperatura.





Comments