by Eli San Miguel @World News | July 26, 2024
Hinikayat ni U.S. Vice President Kamala Harris si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, na agad na magkaroon ng tigil-putukan sa Hamas upang mapalaya ang mga bihag sa Gaza.
Ipinahayag niya ang karapatan ng Israel na ipagtanggol ang sarili ngunit naglabas din ng pagkabahala sa mataas na bilang ng mga nasawi at matinding krisis sa Gaza.
“There has been hopeful movement in the talks to secure an agreement on this deal,” pahayag ni Harris sa mga reporters matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Netanyahu. “And as I just told Prime Minister Netanyahu, it is time to get this deal done,” dagdag pa niya.
Comments